Pamilya ni Jaclyn kumbinsidong walang foul play sa pagkamatay

Pamilya ni Jaclyn kumbinsidong walang foul play sa biglang pagkamatay

Ervin Santiago |March 04,2024
facebook
share this

Pamilya ni Jaclyn kumbinsidong walang foul play sa biglang pagkamatay

Ervin Santiago - March 04, 2024 - 01:28 PM

Pamilya ni Jaclyn kumbinsidong walang foul play sa biglang pagkamatay

Jaclyn Jose at Andi Eigenmann kasama ang 3 anak

NANINIWALA at kampante ang pamilya ng award-winning veteran actress na si Jaclyn Jose na walang naganap na foul play sa pagkamatay nito.

Ayon sa pamunuan ng Philippine National Police (PNP), nakiusap ang immediate family ni Jaclyn i Mary Jane Santa Ana Guck sa tunay na buhay na huwag nang isapubliko at pag-usapan pa ang resulta ng isinagawang imbestigasyon.

Agad na nagtungo ang mga operatiba ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ng PNP sa tahanan ng premyadong aktres matapos madiskubre roon ang kanyang katawan na wala nang buhay.

Binanggit ng PNP-Public Information Office (PNP PIO) Chief Col. Jean Fajardo na kumbinsido naman ang mga naulilang kapamilya ni Jaclyn na walang foul play o anumang kaduda-duda sa pagkamatay nito.

Baka Bet Mo: Jaclyn Jose hindi natupad ang wish na makasama sa ‘Probinsyano’, iniwan muna ang GMA para sa ‘Batang Quiapo’ ng ABS-CBN

Subalit wala ring inihayag ang opisyal ng PNP kung ano talaga ang naging sanhi ng biglang pagpanaw ng nanay ni Andi Eigenmann.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“The family is asking for privacy, and they believe that there is no foul play in her death. We are sympathizing with her family and friends,” sabi ni Col. Fajardo sa isang press briefing.

Baka Bet Mo: Dimples, Gardo, Ice, Gladys, iba pang artista may pa-tribute kay Jaclyn

Sinabi rin ni Fajardo na tumanggi na ang pamilya ng aktres na pag-usapan pa ang detalye ng pagkamatay nito.

“In deference po sa request po ng family for some privacy ay we opted not to discuss further the case involving Miss Jaclyn Jose.

“But naniniwala naman po sila at convinced naman po sila na wala pong foul play,” dagdag pang pahayag ng opisyal.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ayon sa ulat, pumanaw si Jaclyn nitong Sabado, March 2. Siya ay 59 years old.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending