Jaclyn Jose itinuring nang tunay na anak si Coco; tinupad ang hiling

Coco itinuring nang tunay na anak ni Jaclyn; buking ang pagiging mahiyain

Coco Martin at Jaclyn Jose

KUNG may isang artista na talagang naging malapit sa yumaong aktres na si Jaclyn Jose, yan ay walang iba kundi si Coco Martin.

Balitang isa si Coco sa mga unang dumating sa bahay ng premyadong veteran actress matapos matanggap ang balitang natagpuan ang katawan nitong wala nang buhay.

Base sa nakalap naming impormasyon, nakita ng ilang taong nasa scene of the crime na dumating si Coco, na kasamahan ni Jaclyn sa Kapamilya serye na “FPJ’s Batang Quiapo”.


Nagpunta rin daw agad sa crime scene ang isa pang kaibigan ni Jaclyn na si Cherry Pie Picache na kasama rin nila sa “Batang Quiapo.”

Baka Bet Mo: Jaclyn Jose, Andi Eigenmann in-unfollow ang isa’t isa sa Instagram, mas lumala ang tampuhan?

Wala pang post si Coco sa kanyang social media accounts tungkol sa pagkamatay ng kanyang nanay-nanayan.

Habang sinusulat ang balitang ito ay naghihintay pa rin ang lahat ng karagdagang detalye sa pagpanaw ng Cannes Film Festival Best Actress at kung ano ba talaga ang naging sanhi ng biglaan nitong pagkamatay.

Sa unang lumabas na ulat, posible raw nadulas at nabagok ang ulo ng aktres sa loob ng kanilang bahay na naging sanhi ng kanyang pagkamatay. May report naman na nahulog umano si Jaclyn sa hagdan.

Kaya abangan na lang natin ang official statement ng pamilya ng aktres at ng SOCO (Scene of the Crime Operatives) hinggil sa tunay na dahilan ng pagpanaw ni Jaclyn Jose.

Going back kay Coco, siguradong was ako ngayon ang puso ng Teleserye King sa nakabibiglang pagyao ni Jaclyn na gumaganap na Corrections Chief Supt. Dolores Espinas sa “Batang Quiapo.”

Sa isang panayam, sinabi ni Jaclyn ang dahilan kung bakit napapayag siyang bumalik sa ABS-CBN makalipas ang 10 taon.

Baka Bet Mo: Jaclyn, Andi kinuyog ng netizens: Sinira n’yo career ni Albie pero never kayong nag-sorry

“Si Coco (ang isa sa rason), parang anak ko na ‘yan. Ang una niyang pelikula, kasama ako, Masahista, noong araw. Matagal na. At mula noon, hindi naman kami nag-lose contact. In short, nagkakausap pa rin,” pagbabahagi ni Jaclyn.


Patuloy pa niya, “Ang pakiramdam ng artista, ako ha, kapag hindi ako nakapasok sa soap ni Coco, halimbawa itong Probinsyano na natapos, hindi kumpleto ang pagiging artista ko.

“May ganoong feeling. Hindi ko alam ang pakiramdam ng kapwa ko artista, pero ako, ganoon ang pakiramdam ko,” aniya pa.

Naikuwento rin niya na paulit-ulit niyang sinasabihan noon si Coco na sumabak na sa mainstream movies, pero ayaw daw nito.

“Sabi ko, di na, ano na, puwede na ‘yan. Meron daw siyang ano…parang mahina ang loob niyang makiharap sa mga stars. Sabi ko, hindi, ano lang ‘yan, pare-pareho lang tayo,” aniya pa.

Sa tanong kung in-expect ba niyang magiging superstar si Coco, “Well, hindi ganito kalaki. But I know that he is a very good actor. Alam kong mahusay siya dahil lagi kaming nagsasama sa indie.”

Read more...