8 tips para hindi kayo sumigaw ng, 'May sunog, may sunog!'

8 practical tips para hindi kayo sumigaw ng, ‘May sunog, may sunog!’

Ervin Santiago - March 04, 2024 - 09:30 AM

8 practical tips para hindi kayo sumigaw ng, 'May sunog, may sunog!'

Triplehin ang pag-iingat para iwas-sunog

KALIWA’T KANAN na naman ang mga nangyayaring sunog sa iba’t ibang bahagi ng bansa, kung saan ilang kababayan na natin ang nasawi at nawalan ng tirahan.

Tuwing March ginuginita sa Pilipinas ang Fire Prevention Month dahil nga sa panahong ito naitatala ang pinakamaraming insidente ng sunog.

Taun-taon ay nagpapaalala ang pamahalaan na triplehin ang pag-iingat para iwas-sunog, lalo na kapag umaalis ng bahay o mga bata lamang ang naiiwan sa tahanan.

Baka Bet Mo: Frankie nilait-lait na naman ng basher: Nakakapagod na po, minsan pa nga nakakasira ng araw o buong linggo

Kaya naman muli naming ibabahagi sa inyo dear BANDERA readers ang ilang fire prevention safety tips na maaari n’yong gawing gabay at mai-share sa inyong mga kapamilya at kaibigan.

Fire extinguisher

MAG-INVEST SA FIRE EXTINGUISHER 

Mga besh, hindi lang sa love at emotion dapat mag-invest, pag-ipunan din ang fire extinguisher dahil ito ang pinakamabilis na paraan para mapatay ang sunog sa bahay.

Pero kapag hindi na kaya ng FE ang apoy, tumawag agad ng bumbero para sila na ang unaksyon. Mas okay din kung may smoke detector sa bahay para maalarma agad ang lahat ng nasa bahay.

Electrical wire

WIRE NA HINDI SABLAY; WAG PABIBO

Karaniwang pinagmumulan ng sunog ay ang mga hindi maayos na sistema ng saksakan at wire sa bahay, lalo na yung mababa ang quality. Ito yung mga hindi dumadaan sa tamang proseso ng paggawa kaya ang ending – sunog.

Siguruhin ding walang sira ang mga wire ng kuryenye upang maiwasan ang faulty electrical wiring. Kung hindi na talaga kering ayusin, mas mabuting palitan na ito para hindi magsisi sa huli.

Gumamit din ng tamang tools sa pagkumpuni ng mga wire sa bahay. Guys, never use masking tape or scotch tape sa mga wire, electrical tape lang ang gamitin. Huwag ding magmagaling at magpabibo, mas okay kung magpatulong na lang sa mga electrician para sure ang kaligtasan.

Overloaded na sandakan

SAKSAKAN OVERLOAD YARN!?

No, no, no, no ang overload na saksakan! Bukod sa napakalakas na sa kuryente, posible rin itong pagmulan ng sakuna. Kapag sobrang dami na ng appliances ang nakasaksak ay hindi na nito kayang suportahan ang dumadaloy na kuryente.

Hangga’t maaari, iwasan ang octopus connection o ang ang sabay-sabay na paggamit ng mga kagamitan sa bahay  na malakas sa kuryente.

Kung hindi naman ginagamit, tanggalin na sa saksakan ang mga appliances dahil kahit nakapatay ang mga ito ay kumukonsumo pa rin ito ng kuryente. In fairness, nakatipid ka na, iwas-sunog pa.

Electric fan at zircon

REST-REST DIN PAG MAY TIME

Tulad ng mga tao, napapagod din ang mga appliances natin kaya dapat din silang bigyan ng day-off, tulad ng electric fan at aircon.

Kapag tuluy-tuloy kasi ang paggamit sa mga ito, nag-iinit ang mga makina at maaaring pagmulan ng sunog. Kapag pinagpahinga ang mga nabanggit na kagamitan nang sapat na panahon, hindi lang kayo makakaiwas sakuna, hahaba pa ang buhay nila.

Huwag iwan ang niluluto

NO GHOSTING SA ‘COOKING-COOKING’

Never, as in never n’yong iiwanan o lalayasan ang inyong mga niluluto sa bahay. Pwede namang magmulti-tasking habang nagku-cooking pero siguruhing i-check palagi ang nakasalang sa kalan.

Hindi lang kasi ang food ang pwedeng masunog kapag ito’y pinabayaan kundi pati na rin ang lutuan at ang buong kabahayan.

Make sure din na walang mga flammable na bagay malapit sa kalan dahil posible itong magliyab kapag  hinangin ang apoy ng kalan.

Suriing mabuti ang gasol

CHECK, CHECK AWWW! 

Huwag ding kaligtaang patayin ang gas at kalan pagkatapos magluto. I-check din kung may leak ang tangke ng gasul dahil  madali rin itong pagmulan ng sunog kapag nag-spark.

Isa sa pwede n’yong gawin para masigurong wala itong leak ay ang panggamit ng tubig na may halong sabon. Basain ang tangke gamit ang sponge o spray na may solution ng soap and water.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Suriin kung may bahagi ng tangke na may mga bubbles at kung meron, palitan na agad ito.

Patlayın ang kandili

BLOW YOUR CANDLES KAHIT HINDI MO BIRTHDAY

Bago matulog, hipan at patayin ang mga ginamit na kandila (may brownout man o wala). Isa kasi ito sa karaniwang pinagsisimulan ng sunog kapag aksidenteng natumba o nasagi.

Sa ngayon, mas safe ang gumamit ng flashlight o emergency light para hindi na kailangan pang gumamit ng kandila kapag madilim ang bahay. Meron na ring nabibili na de-bateryang kandila na pwedeng gamitin sa mga altar.

Lighter

POSPORO, LIGHTER ILAYO SA MGA BATA

Maraming insidente ng sunog ang nangyayari dahil sa pinaglaruang posporo o lighter ng mga bata kaya siguruhing itabi ito sa safe na lugar, yung hindi maaabot o mabubuksan ng mga bagets.

Palagi rin silang pagsabihan na hindi laruan ang mga bagay na ito dahil mapanganib at pwedeng pag-ugatan ng sunog. Shoutout sa mga kapamilya nating nagyoyosi sa bahay, huwag na huwag maging burara sa paggamit ng lighter at posporo lalo na kapag may kasamang bata sa house.

8 practical tips para hindi kayo sumigaw ng, 'May sunog, may sunog!'

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending