Kathryn Bernardo, Belle Mariano pinagsasabong ng fans

Kathryn Bernardo, Belle Mariano pinagsasabong ng fans

TILA pinagsasabong ng kani-kanilang fans online ang mga Kapamilya actress na sina Kathryn Bernardo at Belle Mariano.

Base kasi sa latest episode ng “Cristy Ferminute” na umere noong Biyernes, March 1, mas lumalala na raw ng girian sa pagitan ng fans ng dalawang aktres dahil sa pagkaka-link ni Donny Pangilinan sa itinanghal na “Asian Outstanding Star”.

“Sinisisi kasi ng mga fans nitong si Belle Mariano si Kathryn. Bakit daw kailangan na pati si Donny Pangilinan na karelasyon na raw nitong si Belle e parang dinadamay pa sa mga bagay-bagay,” pagbabahagi ni Cristy.

May ilang fans raw kasi si Kath na nagsasabing hanggang love team lang naman ang DonBelle.

“E, ang sabi naman ng mga fans ni Kathryn: ‘Uy, ‘wag n’yong i-claim, ‘no. Hanggang love team lang ‘yan. Hindi naman ‘yan totoo sa totoong buhay,’” chika pa ng kolumnista.

Sey naman ng co-host nitong si Romel, tila bangka raw si Kath at kung sinong madikit na lalaki sa kanya ay bibigyan agad ng kuwento.

Baka Bet Mo: Donny Pangilinan sa viral video nila ni Kathryn Bernardo: ‘Binabantayan namin ang isa’t isa’

“Itong bardagulan ng mga fans, sila sila lang ang gumagawa ng away. Wala namang away yung mga artista (Kathryn at Belle) kundi ‘yung mismong mga faney ang nag-aaway,” dagdag pa nito.

Umabot na nga rin daw sa personalan ang mga tirada ng fans ni Belle laban kay Kath.

“Mayro’n pa akong nabasa, Nay, pinepersonal na nila si Kathryn. Ang sabi, kung legs-legs lang ang labanan, mas perfect ang legs ni Belle,” chika ni Romel.

Giit naman ng kolumnista, hindi sukatan ang legs para masabing matagumpay ka sa showbiz industry dahil kung talented raw talaga ang artista ay magiging maingay ang pangalan nito.

Hindi naman maaaring maliitin si Kathryn dahil talagang mahusay ito sa kanilang larangan at napatunayan na ito nang maraming beses.

Matatandaang unang na-link ang dalaga kay Donny matapos bigyan ng malisya ang umano’y “pagbabantay” nito sa aktres noong kasal nina Robi Domingo at Maiqui Pineda.

Kamakailan ay namataan namang magkasama ang dalawa sa birthday celebration ni Johnny Manahan na kilala bilang Mr. M.

Read more...