NAGKWENTO ang celebrity mom na si Iza Calzado tungkol sa mga na-experience niyang postpartum period.
Sa exclusive interview ng ABS-CBN, inamin ni Iza na malaki ang nagbago mula nang siya ay maging isang ina.
“My life has changed so much in great ways. And also in ways na syempre minsan, overwhelming, ang dami pala, ang hirap maging nanay pero napakasarap na rin,” sey niya.
Nang tanungin siya ng entertainment reporter na si Gretchen Fullido kung dumaan din siya sa postpartum period.
Ang sagot niya, “Everybody goes through it one way or another…hormonal change ‘yan e, actually biologically, you should expect that you will go through something.”
Gayunpaman, ibinunyag niya na hindi siya masyadong naapektuhan nito dahil naging aware siya sa kung ano ang mga pwedeng magbago sa kanya.
Baka Bet Mo: Kylie Padilla inalala ang pinagdaanang postpartum depression, pero: I realized there’s a blessing behind it…
“Hindi ko siya inin-vibe, alam mo ‘yun. Parang aware lang ako. Siyempre, ‘yung pagod, [‘yung] walang tulog kasama ‘yun kung bakit makakaramdam ka ng mga bagay-bagay or sometimes thoughts,” chika niya.
Aminado siya na nanibago siya sa malaking adjustments mula nang magkaroon siya ng anak.
“Parang feeling mo naiwanan ka, parang may fomo…Sa akin for the first few months, ‘ano ‘to, sanay ako sa set, sanay ako ganito gawa ko’,” kwento niya.
Dagdag niya, “Nagkamali din ako kasi kinulong ko ‘yung sarili ko sa bahay. Hindi ako lumabas for a while. Then sabi ng kaibigan ko, ‘Isadora, get out of the house. Do something for yourself.’ Then doon ko lang na-realize na ‘oo nga, hindi naman sinabi na dito lang kayo ng baby niyo.’ Natutunan ko doon is slowly to let go and let go.”
Bandang huli ay nagbigay siya ng payo para sa mga hindi pa nagkakaanak o soon-to-be mommies.
“Ako kasi, naniniwala na what is meant for you will always make its way to you when the time is right and in God’s perfect time,” wika ni Iza.
Baka Bet Mo: Iza Calzado ibinandera ang 1st bday ni Deia sa children’s home
Pag-alala pa niya, “I’m sure kung napanood niyo na siguro ‘yung interview ko dati, mararamdaman mo na takot ako, iniiwasan ko ‘yung pagiging isang ina. Kung hindi pa siguro ginawa ng Panginoon ito na binigay niya ng surprise, hindi ko talaga alam kung talagang magde-decide ako na it’s time, ito na [to have a baby]. I was 39 when I got pregnant, I wasn’t very young ‘diba.”
“Pero ‘nung nangyari ‘yun at hinawakan ko na ‘yung anak ko, sabi ko, ‘ito pala ‘yung hinahanap ko matagal na panahon na.’ So huwag magmadali,” saad niya.
Patuloy pa niya, “But of course, the reality for women, meron talaga tayong timeline. Pero huwag din tayong masyadong magpakahon doon sa kailangang ‘by this time.’ Kung hindi pa siya nangyayari, edi huwag natin pilitin masyado. But let’s always try our best if that is what we want.”
“And again, you have to let go and surrender kasi life, all our plans, they’re ultimately just our plans, but there’s someone who is in control na–actually His plans are mightier than ours. So ‘yun lang, maging humble to accept what God has for us,” aniya ng batikang aktres.
Kung matatandaan, taong 2018 nang maganap ang beac wedding nina Iza at mister na si Ben Wintle.
Isinilang naman si Deia Amihan noong March 26 ng nakaraang taon.