Kris Bernal na-diagnose ng ‘postpartum anxiety’

Kris Bernal na-diagnose ng ‘postpartum anxiety’: ‘Nahirapan ako mag-adjust’

Pauline del Rosario - January 25, 2024 - 04:02 PM

Kris Bernal na-diagnose ng ‘postpartum anxiety’: 'Nahirapan ako mag-adjust'

PHOTO: Screengrab from Instagram/@krisbernal

KAGAYA ng mga mommies out there, hindi nakatakas na makaramdam ng “postpartum anxiety” ang Kapuso actress na si Kris Bernal.

‘Yan ay kanyang shinare at inihayag sa naging panayam sa programang “Fast Talk with Boy Abunda.”

Naging emosyonal si Kris habang ikinukuwento niya kay Tito Boy ang mga pinagdadaanan niya bilang first time mom.

Ayon sa kanya, marami siyang nadiskubre sa kanyang sarili na ngayon lang niya natuklasan kaya talaga namang nag-a-adjust siya sa kanyang motherhood journey.

At kasabay niyan, ibinunyag niya na na-diagnose siya ng postpartum anxiety.

Baka Bet Mo: Kris Bernal nakakalimutan na ang sarili dahil sa pagiging nanay: ‘I am broken…’

“Nahirapan lang ako kasi feel ko parang bagong tao ako. I could no longer recognize my old self,” sey ng aktres sa TV host.

Paliwanag niya, “The things that I used to love, wala na. I’m loving myself now pero siguro may hinahanap pa ko sa dati kong sarili.”

“Nasa phase pa ako na dini-discover ko pa lang ‘yung bagong ako,” aniya.

Patuloy pa niya, “Nagugulat pa rin ako sa mga ginagawa ko ngayon na kaya ko pala ‘to, ganito pala ‘to. It’s not easy.”

“Nagkaroon ako ng postpartum anxiety, I was diagnosed kasi nahirapan talaga ako mag-adjust,” pagbubunyag ni Kris.

Pero ayon sa kanya, siya ay nasa process of recovery at nilinaw rin niya na ang pagiging ina ay isa pa ring “best thing” na nangyari sa kanya.

“So far, it’s getting better. Okay naman because shinashare ko sa inyo na nahihirapan ako,” sambit ni Kris.

Dagdag niya “It doesn’t mean na I’m not grateful or hindi ko gusto itong journey ko. Ito ‘yung pinaka magandang nangyari sa buhay ko pero hindi natin maiiwasan na may mga pinagdaanan na postpartum.”

Sinabi rin ni Kris na marami ang nagbago sa kanyang routine, lalo na pagdating sa pag-aalaga sa kanyang sarili.

“Magsuklay, kumain, maligo. ‘Yung skincare ko wala na, nakalimutan ko na, and I was cesarean, grabe ‘yung pain, ‘yung recovery mo ang tagal. Nahirapan talaga ako,” lahad ng aktres.

Pagbabahagi pa niya, “Everything stopped. I stopped vlogging, ‘yung social media ko wala ka na halos makita kasi nagbago talaga ‘yung mundo ko.”

Bagamat marami siyang hirap na pinagdadaanan ngayon, sinabi niyang “priceless” ang mga sakripisyo na kanyang ginagawa para sa anak.

“Yung highs syempre ‘yung baby ko kahit mahirap kahit walang tulog ‘yung alam mong nandiyan, may baby ka, ‘yung blessed ka with a child kasi not everyone nabebless ng ganito kaya very thankful talaga ako,” ani ni Kris.

Matatandaang ikinasal sina Kris at Perry noong 2021 sa isang simbahan sa Makati City.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Isinilang naman ni Kris ang kanilang panganay na si Hailee Lucca noong Agosto.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending