Truth Commission: Di lang si GMA ang iimbestigahan | Bandera

Truth Commission: Di lang si GMA ang iimbestigahan

- October 19, 2010 - 01:39 PM

Target ni Tulfo by Mon Tulfo

DI lang pala si dating Pangulong Gloria ang iimbestigahan ng Truth Commission na pinangungunahan ni dating Chief Justice Hilario Davide Jr.
Sinabi ni Commissioner Carlos Medina ng Truth Commission, kahit na mga anomalya ng mga judges at justices ng Court of Appeals at Supreme Court ay iimbestigahan din ng ahensiya.
Ang Truth Commission ay itinatag ni Pangulong Noy upang halungkatin ang mga anomalya sa gobyerno sa administrasyon ni dating Pangulo at ngayon ay Congresswoman Gloria Arroyo.
Kung totoo ang sinabi ni Medina, dapat ay imbestigahan ang malapit na kamag-anak ni Davide na sangkot daw sa anomalya.
Ang anomalya daw ay tungkol sa pag-aareglo ng mga kaso sa Court of Appeals branch sa Cebu City.
Paano kung natukoy ang kamag-anak ni Davide? Sasali ba siya sa imbestigasyon ng kanyang kamag-anak?
Maraming nangangamba na baka hindi magiging patas ang mga findings ng commission dahil ito’y itinatag upang paghigantihan ang dating Pangulong Gloria.
At paano naman kung rerebisahin ang findings ng commission ng mga tauhan ni Pangulong Noy na sina Executive Secretary Paquito Ochoa at Chief Legal Counsel Ed de Mesa?
Nakita naman natin kung paano ang nangyari sa rekomendasyon ng Incident Investigation Review Committee (IIRC) headed by Justice Secretary Leila de Lima.
Binago ang findings ng IIRC upang hindi maisama sa kasong administratibo si Undersecretary Rico Puno na matalik na kaibigan ng Pangulong Noy.
* * *
May katuwiran sina Senador Joker Arroyo at Senador Miriam Defensor-Santiago na walang saysay ang Truth Commission.
Sinabi ng dalawang senador that the truth commission will just duplicate the function of the Office of the Ombudsman.
At yung mga iimbestigahan na mga anomalya—gaya ng NBN-ZTE gross overpricing scam at 728-million fertilizer fund scam—ay naimbestigahan na ng Senado.
Ano pa nga ba ang iimbestigahan ng Truth Commission?
* * *
Hindi raw takot si GMA sa Truth Commission.
Ayon kay Elena Bautista-Horn, tagapagsalita ng dating Pangulo, hindi raw niya nakitaan ng pagkataranta si GMA.
Siyempre, hindi natatakot si GMA sa Truth Commission dahil alam niya na hindi siya mapapahamak.
Pera-pera lang yan gaya ng dati.
* * *
Napakawalan na kahapon si Air Force Capt. Joenel Pogoy.
Tinupad ng pamahalaan ng Air Force ang kanilang pangako na ire-release si Captain Pogoy sa Oct. 18.
Si Pogoy ay ikinulong ng dalawang taon matapos na yung kanyang video na nagdedetalye ng anomalya sa Air Force ay napunta sa YouTube.
Ang video ay gagamitin sana ni Pogoy sa kanyang thesis sa kanyang schooling for promotion.
Pero isang babae na kanyang naging kalaguyo ang nagpahamak sa kanya sa pamamagitan ng pag-up load ng kanyang video sa YouTube.
Kabilang sa mga anomalya na binanggit ni Pogoy ay ang pangangahoy ng mga parts ng eroplano, pagtitinda ng mga gasolina ng eroplano ng mga piloto at kawalan ng pansin sa kapakanan ng mga rank and file soldiers.
Ngayong nasa labas na si Pogoy, puwede na niyang isiwalat sa publiko ang mga anomalya sa Air Force.
Nangako si Muntinlupa Congressman Rodolfo Biazon, chairman ng defense committee sa Kamara, na iimbestigahan niya ang mga alegasyon ni Pogoy.
Si Biazon ay dating senador at Armed Forces chief of staff.

Bandera, Philippine News at opinion, 101910

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending