Pwede bang magpakasal ang 2 Filipino citizen sa ibang bansa?

CIA with BA: Pwede bang magpakasal ang 2 Filipino citizen sa ibang bansa?

Boy Abunda, Pia Cayetano at Alan Peter Cayetano

NANGANGARAP ba kayong maikasal sa Amerika, sa Paris, o kaya naman sa Maldives pero pareho kayong citizen sa Pilipinas?

Ito ang isa sa mga naitanong sa “Yes or No” segment ng “CIA with BA” nitong Linggo, February 25.

“Yes,” sagot ni Sen. Alan Peter Cayetano. Aniya, ito ay depende pa rin sa capacity o incapacity ng magpapakasal.

Paliwanag pa niya, “Meron kasing tinatawag na formal at essential requisite. So basta’t ‘yung essential requisite ay nandiyan — ibig sabihin, nasa edad, wala silang ibang asawa, babae’t lalake — pwedeng mag-asawa abroad, susundin lang nila ‘yung formal requirements ng batas doon.”

Baka Bet Mo: Alden Richards sa mga baguhang artista: ‘Wag po kayong maging choosy kung wala pa po kayong napapatunayan’

Nagbigay rin ng halimbawa ang senador upang maunawaan na ang formal requisites at essential requisites ay maaaring magkakaiba.

“Halimbawa, dito sa Pilipinas, bawal ikasal ang magpinsang-buo. Hindi ka ngayon pwedeng magpunta doon sa ibang bansa tapos ikakasal,” sabi niya.

“Kaya nga ‘yung iba tinatanong dito.. babae sa babae, lalake sa lalake — hindi pwede sa atin. Pupunta sa abroad, magpapakasal pero tatanungin kung valid dito. So kailangan ‘yung essential requisite dito.

“E, sa batas natin, nandyan ‘yung edad, ‘yung disqualifications (halimbawa nga, magpinsan), tapos ang nakalagay, babae at lalake,” diin pa niya.

Sa kabuuan, ang essential requisites ang mga pangunahing kailangan habang ang formal requisites ay mga karagdagan.

“Kung may asawa ka na dito, kahit sundin mo ‘yung batas do’n, hindi ka pwedeng mag-asawa ulit,” aniya pa.

“Pero kung ‘yung formal requisites lang, halimbawa, ‘yung marriage license… kung anong batas do’n (sa ibang bansa), sundin lang nila, pwede na dito,” pagpapatuloy niya.

Huwag palampasin ang “CIA with BA” kasama sina Alan, Pia, at award-winning TV host na si Boy Abunda tuwing Linggo, 11 p.m. sa GMA 7.

Read more...