LEGIT na “lodi” (idol) ang turing ng Kapamilya actress at “Can’t Buy Me Love” star na si Maris Racal sa international star na si Dolly de Leon.
Bukod kay Kathryn Bernardo, nakatrabaho rin ni Maris ang Golden Globe awards nominee sa digital series na “Simula sa Gitna,” ang spin-off ng award-winning movie na “Hintayan ng Langit.”
Sa panayam ng “Magandang Buhay” kay Maris, kinumusta ng isa sa mga host na si Regine Velasquez ang experience niya working with Dolly.
“Noong naka-work ko po si Miss Dolly, sa isip-isip ko parang pwede palang maging sobrang-sobrang cool at grounded but at the same time sobrang talented mo rin.
Baka Bet Mo: Dolly De Leon sa controversial statement ni Liza Soberano: It’s her truth and we have to respect it
“Iba si Miss Dolly na katrabaho. Hindi mo mararamdaman sa kaniya what she has achieve sa buhay niya.
“‘Yung parang normal lang talaga. ‘Yung parang part ‘yun ng story niya but hindi niya ‘yun buong identity. Love ko siya. Sobrang relaxed niya sa set, tahimik, but like when kailangang mag-work, she delivers,” kuwento ng aktres.
Sabi naman ni Jolina Magdangal, “Minsan ‘yun pa ‘yung magaling, ‘yung humble, ‘no?”
“Yes,” pagsang-ayon naman ni Maris.
Napapanood ang “Simula sa Gitna” sa Prime Video kung saan kasama rin nina Maris at Dolly sina Khalil Ramos, Jane Oineza, Meann Espinosa at Adrian Lindayag.
Isa pa raw sa mga natutunan ni Maris kay Dolly ay ang katotohanang mas mahalaga ang tingin natin sa sarili kesa sa opinyon ng ibang tao.
“Hindi ko mina-mind ‘yung expectations ng mga tao at opinyon nila talaga. Hindi ko talaga bini-base ang worth ko sa opinions nila. Ang challenge ko ay ‘yung opinion ko of me.
Baka Bet Mo: Bea Alonzo wish makatrabaho si Dolly de Leon, pero hindi raw dapat mag-ina: ‘Gusto namin parang psycho-thriller’
“Minsan kasi ‘yung sarili natin ang grabe magsabi ng mga criticism. So ‘yun ang tsina-challenge ko na kailangan mas positive ang sinasabi ko sa sarili ko. But, sa opinyon ng ibang tao, malaya ako riyan.
“Dati kasi mas mahina pa ako emotionally, hindi pa ako matatag. Parang mas mabilis akong umiyak like, ‘Oh my God, sinabi niya hindi ako magaling,’ iiyak na ako. Then lagi ko naiisip, nakaka-recover naman ako, kasi kaya ko naman.
“Ako, since alam ko ang nangyayari sa buhay ko, so ako ‘yung parang grabe mag-critique sa sarili. Grabe mag-push ng self-improvement. So minsan ang challenge ko ay maging easy sa sarili ko. Yes, be kinder talaga,” pahayag ni Maris.