Bea Alonzo wish makatrabaho si Dolly de Leon, pero hindi raw dapat mag-ina: 'Gusto namin parang psycho-thriller' | Bandera

Bea Alonzo wish makatrabaho si Dolly de Leon, pero hindi raw dapat mag-ina: ‘Gusto namin parang psycho-thriller’

Ervin Santiago |September 06,2023
facebook
share this

Bea Alonzo wish makatrabaho si Dolly de Leon, pero hindi raw dapat mag-ina: ‘Gusto namin parang psycho-thriller’

Ervin Santiago - September 06, 2023 - 12:30 AM

Bea Alonzo wish makatrabaho si Dolly de Leon: 'Kung magtatrabaho tayo dapat hindi tayo mag-ina, gusto namin parang psycho-thriller'

Bea Alonzo at Dolly de Leon

KUNG may isang artista na gustong makatrabaho ng Kapuso actress na si Bea Alonzo sa susunod niyang project, yan ay walang iba kundi si Dolly de Leon.

Yan ang rebelasyon ng dalaga sa recent YouTube vlog niya na may titulong “Tipsy Q&A! (#AskBea Late Night Edition)” kung saan sinagot niya ang ilan sa mga maiintrigang tanong ng netizens.

Isa sa mga question na ibinato sa fiancée ni Dominic Roque ng isa niyang supporter ay, “Sinong artista ang gusto mong makasama sa isang pelikula?”

Mabilis na sagot ni Bea, “You know I bumped into Dolly de Leon kanina, so dapat magkikita kami sa after-party. Nag-usap kami na we should work together.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“But, sabi niya sa akin, ‘Kung magtatrabaho tayo together dapat hindi tayo mag-ina, hindi tayo magkapatid.’ Gusto namin parang thriller or psycho-thriller,” sabi pa ng award-winning Kapuso star.

Wish ng aktres na sana’y mabigyan na sila agad ng chance ni Dolly na makagawa ng pelikula together kung saan mapapalaban talaga sila ng matinding aktingan.

Sey pa ni Bea, handa na rin siyang mag-experiment at sumabak sa mga kakaibang role at out-of-the-box characters para mas maipakita pa niya ang kanyang versatility as an actress.

Baka Bet Mo: Janine Gutierrez tinawag na ‘mommy’ si Dolly de Leon dahil sa ‘Dirty Linen’: ‘Im a fan forever! Gawa tayo ulit please?!’

Nabanggit pa niya sa nasabing vlog ang 2015 movie na “Carol” na kuwento tungkol sa dalawang babaeng nagkainlaban noong 1950s.

Samantala, isa pa sa mga naitanong sa kanya ay kung totoong seatmates sila ng K-pop idol na si B.I. sa naganap na Vogue Philippines Anniversary Gala kamakailan sa Shangri-La, The Fort sa Taguig City.

Tugon ni Bea na kitang-kita ang naramdamang excitement, “Yes, I was. Sabi ko, are you here for work? (sagot ni B.I. sa kanya) ‘Yes, I’ll be shooting something.’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by bea alonzo (@beaalonzo)


“Katabi ko siya, tinitingan ko siya, sabi ko, ‘Ang ganda ng balat nito. As in wala siyang pores. Magkabalat sila ni Yoona (Korean superstar)…nu’ng kasama ko si Yoona sa Macau. Gusto kong tanungin, ‘What’s your skin care routine?'”

Nauna rito, inggit na inggit daw si Dominic nang makita ang litratong ipinadala ng kanyang fiancée.

Ibinandera ri  kasi ng Kapuso actress sa bago niyang vlog ang pagkikita at pagpapaka-fan girl niya sa social media superstar na si Bretman Rock.

Hindi napigilan ni Bea ang sarili na ipakita ang pagiging super fan nang makaharap niya up close and personal ang super favorite niyang Pinoy socmed influencer at Internet star.

Nangyari rin ang pagkikita nina Bea at Bretman sa ginanap na Vogue Philippines Anniversary Gala. Ito rin yung viral na ngayong bathroom selfie nila kasama sina Anne Curtis, Nadine Lustre, internet sensation Bryan Boy, Liza Soberano, Pia Wurtzbach at K-Pop idol na si B.I., na dating member ng grupong iKON.

Dolly de Leon inatake rin ng matinding nerbiyos sa ilang eksena nila ni Kathryn sa ‘A Very Good Girl’: ‘Ang dami kong natutunan sa kanya’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dolly de Leon sa pagsasama nila ni Kathryn Bernardo sa pelikula: Kinikilig ako kasi galing na galing ako sa kanya at napakabuti rin niyang tao

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending