MATAGAL na palang hiwalay ang veteran comedian na si Dennis Padilla sa kanyang live-in partner na si Linda Gorton.
Ito ang rebelasyon ng komedyante tungkol sa estado ng kanyang personal life ngayon sa naganap na presscon ng bago niyang pelikula, ang “When Magic Hurts.”
More than 10 years din silang nagsama ng dati niyang Filipino-Australian partner ngunit nauwi nga rin ito sa hiwalayan. Meron silang dalawang anak — sina Gavin at Maddie.
Kuwento ni Dennis sa panayam ng press sa kanya nitong nagdaang February 24, “I got separated nu’ng 2020 so my ex-wife brought my children sa Sydney.”
Baka Bet Mo: Iyah Mina sa 1st live-in partner: ‘Ipinaramdam sa akin ang pagiging babae’
“Maayos naman, maganda naman yung co-parenting arrangement namin, and regular ko naman silang nakakausap ng video call.
“For the past three and a half years dun na sila nakatira, so medyo madugo ang labanan, child support. Mahal ang dolyar, e. Child support tayo, Australian dollars din.
“Awa ng Diyos, I am able to support and I am able to send their monthly child support,” pag-amin pa ni Dennis.
Pagpapatuloy pa niya, “Kailangan ko silang i-support nang tuluy-tuloy at consistent dahil nag-a-apply ako ng Australian visa para madalaw ko sila. E, pag bad shot ka sa embassy, di ka mabibigyan ng visa.”
Hugot pa ni Dennis tungkol sa mga anak niyang nasa Sydney, “Kung sino pa nga ang nasa abroad, parang mas madalas ko pa silang nakakausap.
“Although hindi ko sila mahawakan, hindi ko sila mayakap,” sey pa niya.
Hindi man pinangalanan, mukhang ang gustong tukuyin ni Dennis na hindi niya madalas makausap ay ang mga anak niya sa kay Marjorie Barretto na sina Julia, Claudia at Leon.
Pero aniya, magandang senyales na ang pagbati sa kanya ni Julia nitong nagdaang birthday niya (February 26), “I hope itong mga darating na months, dahil nagsimula na nga nung birthday ko, nung na-receive ko yung text ni Julia.
“Nu’ng una nga hindi ko alam. Sabi ko nga, ‘Number niya pa pala ito,'” aniya. “I hope na tuluy-tuloy na ang communication namin.
Baka Bet Mo: Babala ni Dennis sa mananakit sa mga anak: Gaganti ako, hindi na ako comedian nu’n, action star na ako!
“I’m thankful na nabati niya ako nung birthday ko, and I hope na mabati na niya ako ng iba pang special occasions,” ang sey pa ng comedian.
Dasal din ni Dennis na sana’y makausap din niya sina Claudia at Leon.
Sa tanong kung hindi ba siya nag-aalala na baka muling pagsimulan ng isyu ang pagpapa-interview niya sa press, “Hindi ko alam, hindi ako sure.
“Tinatanong ko ang sarili ko, ‘Okay lang ba na sabihin ko sa mga press na nag-text siya?’ Hindi ko alam kung tama pero yun ang nararamdaman ko na okay namang malaman ng tao na nag-text siya sa akin,” aniya pa.
“But I think I should talk to her more privately kasi hindi ko alam kung yung mga numbers nila existing pa.”
Hirit pa ni Dennis sa kanyang mga anak kay Marjorie, “Sana pag naggi-greet ako, mag-reply na kayo sa akin.”