Kilalang singer-songwriter may pagka-insecure, gusto laging bida?

Kilalang singer-songwriter may pagka-insecure, gusto laging bida?

Reggee Bonoan |February 27,2024
facebook
share this

Kilalang singer-songwriter may pagka-insecure, gusto laging bida?

Reggee Bonoan - February 27, 2024 - 07:04 PM

Kilalang aktres at aktor hindi na natuloy ang project, bakit nga ba?

ANG laki pala talaga ang insecurity ng kilalang singer-songwriter sa lahat ng nakakasama niya sa concerts at shows dahil ang gusto niya ay laging siya ang bida o nasa tuktok ang pangalan niya.

May karapatan din naman ang kilalang singer/songwriter na mag-demand pero depende kung sino ang mga kasama niya at may tinatawag na seniority at ilang kanta ang napasikat at kung sikat pa siya.

Ito pala ang dilemma ng producers sa kilalang singer-songwriter kaya bihira siyang kunin maliban na lang kung requests siya ng client lalo na ngayong panahon na usung-uso ang shows sa mga probinsya para sa constituents ng bawa’t politiko.

Ilang producers/agents na ang naka-tsikahan naming at in fairness ay isa lagi ang kilalang singer/songwriter sa probinsya pero lagi siyang nalalaglag kapag kasama rin ang sikat na singer/songwriter na may malaking pangalan sa lahat.

Gusto ng kilalang singer-songwriter na mas una ang pangalan niya sa billing kaysa sa sikat na singer/songwriter bagay na hindi rin pumayag ang manager ng huli dahil mas maraming hit songs nga naman ang alaga niya at super sikat kahit sa ibang bansa.

Akala naming ay mga producer/agents lang nakakaalam ng ganitong ugali ng kilalang singer/songwriter pati pala mga entertainment writer ng broadsheets at online na ganito raw talaga ugali ng mang-aawit na ito.

Baka Bet Mo: Singer-songwriter Gari Escobar may ginawang kanta na pwede sa kasal nina Dominic at Bea; super crush sina Kim at Bela

Pero siyempre igagalang na lang nila ang kilalang singer/songwriter dahil ito ang gusto niya na dapat mas mataas ang pangalan niya kaysa sa sikat na singer/songwriter at mas mataas din ang talent fee.

Anyway, kaya naming ito nasulat ay may kuwento ulit ang katsika naming producer na sa isang malaking show ay nang-upstage raw ang kilalang singer/songwriter bagay na ikinagulat ng mga nakapuna pero ang mga kasama nito sa show ay dinedma siya dahil nga kilala na siya.

Ang kasama sa show na equally kilala rin at mas may career ngayon sa kilalang singer/songwriter ay dinedma na lang siya ng magsama sila sa entablado.

“Wala naming pakialam si (equally kilalang singer/songwriter) kung in-upstage siya dahil katwiran niya maganda ang ibinigay niyang performance at nagustuhan ito ng tao,” tsika ng producer.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending