EXCLUSIVE: raven chinika ang inspirasyon, paboritong track sa ‘Kinulayan’
GOOD vibes at kwentong pag-ibig ang hatid ng bagong album ng Pinoy singer-rapper na si raven.
Ito ang “Kinulayan” na hango mismo sa kanyang personal experience at inspirasyon mula sa kwento ng kanyang mga mahal sa buhay.
Kamakailan lang ay nagkaroon siya ng album launch event na ginanap sa Makati at isa ang BANDERA sa mga nakadalo.
Bongga ang naging event dahil maliban sa kanya ay pasabog din ang naging performance ng ilang music artists na nagbigay suporta sa bago niyang album.
Kabilang na riyan ang bandang Alyson, at singers na sina Maki, Tala at Nachimi.
Baka Bet Mo: Clara Benin chinika ang mga natutunan sa amang musikero na si Joey, nape-pressure nga ba sa pagiging singer?
View this post on Instagram
View this post on Instagram
Pero bago ‘yan, na-interview muna namin si raven at chinika niya sa amin ang ilang detalye ng “Kinulayan.”
“‘Kinulayan’ is about a person na dumating sa buhay mo para kulayan ito, ‘yung parang ‘yung buhay mo dati na dull, black and white, pero ‘nung dumating siya, nagkaroon siya ng color,” sey ng singer-rapper.
Dagdag niya, “So ‘yung album, kapag pinakinggan siya ng buo, parang story siya – love story siya ng dalawang tao from the beginning na kilig kilig, na-inspired, crush crush, hanggang sa naging seryoso, hanggang sa dumating ‘yung point na nagpakasal na ‘yung dalawa.”
“Actually, based siya sa personal experience and inspired din siya,” pagbubunyag pa niya.
Baka Bet Mo: Melai Cantiveros bentang-benta ang mga banat sa IG stories, sigaw ng netizens: ‘Bigyan ng sariling show yarn!’
View this post on Instagram
Nabanggit din ni raven ang mga kantang naging paborito niya sa album at kabilang na nga riyan ang “AOLID” at “LML.”
“Pinaka-exciting siguro ‘yung sa track na ‘AOLID’ kasi hiwalay talaga siya sa kwento, parang happy happy lang siya. Collab siya with Nachim, about siya sa mga pangarap na kailangang matupad na sama-sama kayo, walang iwanan,” chika niya.
Patuloy ng singer, “Pinaka favorite ko is ‘yung ‘LML – Love My Life’. Nasulat ko siya ‘nung mga panahon na parang motivated na ulit ako, inspired na ulit ako na magpatuloy sa music.”
“‘Yun na ‘yung mismong topic ng buong album ng ‘Kinulayan’, about siya sa taong nagkulay ng mundo mo kaya ‘yun ‘yung favorite ko [kasi] parang nilabas ko doon lahat ng feeling ko,” saad pa niya.
Bukod sa dalawang track na nabanggit, tampok din sa “Kinulayan” ang mga kantang “May Sasabihin Lang,” “Tayo Parin Talaga,” “Sinta,” “Sunday,” “Biyahe” at “Pangako.”
Ang bagong album ni raven ay mapapakinggan na sa lahat ng digital music platforms visa Sony Music Entertainment.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.