Premyadong aktor 'nag-angas' sa taping

Premyadong aktor ‘nag-angas’ sa taping, ‘ekis’ tuloy sa kilalang producer

Reggee Bonoan |February 23,2024
facebook
share this

Premyadong aktor ‘nag-angas’ sa taping, ‘ekis’ tuloy sa kilalang producer

Reggee Bonoan - February 23, 2024 - 03:56 PM

Blind item

MARKADO ang premyadong aktor sa kilalang producer ng pelikula dahil sa ipinakita nitong “kaangasan” habang nagshu-shoot sila sa out of town.

May eksenang maliligo sila sa dagat kasama ang buong cast ng pelikula at bago pala sila pumunta sa location ay binilin sa kanilang mga personal assistant o PA na magdala ng pamunas o tuwalya para sa alaga nila.

Ang ending nakalimutan ng PA ng premyadong aktor na magdala ng tuwalya kaya nang umahon ang alaga ay wala itong maibigay na pamunas, good thing may extra tuwalya ang taga-production at iniabot na lang.

Bale ba tinanong ng taga-production kung bakit walang dala ang PA ng premyadong aktor at nasabi nga nito na hindi siya nakapagdala.

Ang ibang sikat na artistang kasama ng premyadong aktor ay may kanya-kanyang dala ng tuwalya kaya siguro medyo napahiya ang huli dahil siya lang ang walang pamunas pag-ahon.

Baka Bet Mo: Premyadong aktres ayaw nang makatrabaho ang dating sikat na aktor na masyadong proud sa sarili

Inakala ng lahat ay tapos na ang eksena sa dagat, hindi pala dahil gumawa ng sariling eksena ang premyadong aktor dahil galit na galit niyang sinugod ang production staff at sinabing bakit niya tinalakan ang kanyang PA dahil ba mababa lang ang katayuan nito sa buhay kaya hindi maganda ang trato?

Nagulat ang production staff dahil marami siyang witness nang tanungin niya ang personal assistant ng premyadong aktor kung bakit hindi nagdala ng tuwalya at ang naging sagot lang ay “hindi ako nakapagdala.” Hindi inaming nakalimutan.

Super naggagalaiti ang premyadong aktor sa production staff at muntikan niyang suntukin at nang ipaliwanag naman sa kanya ang lahat ay tumalikod na lang ito.

Ilang oras ang pinalipas ay humingi ng “sorry” ang premyadong aktor sa production staff at nagkaroon lang ng miscommunication.

Sa madaling salita, exaggerated ang kuwento ng personal assistant ng premyadong aktor sa kanya kaya uminit ito?  O pinagtakpan ang sarili dahil nga pagkakamali niyang nakalimot siyang magdala ng tuwalya?

Nalaman lahat ito ng producer kaya ang ending EKIS na ang premyadong aktor at ikinuwento pa sa ibang producers.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

‘Yan ang sinasabi namin dapat pakisamahan talaga ang mga taga-production kaysa sa producers na hindi naman lagi nakabantay sa set at magre-rely lang sila sa feedback ng mga tauhan nilang nakabantay sa entire shooting/taping.

Aanhin mo nga namang ka-work ang magaling/mahusay na artista kung sakit naman ng ulo at reklamador pa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending