Miss Kananga Natasha Jung umatras sa Miss Universe PH 2024, anyare?

Miss Kananga Natasha Jung umatras sa Miss Universe PH 2024, anyare?

Miss Kananga Natasha Ellema Jung

SHOOKT ang mga Pinoy pageant fans sa pagba-back out ni Miss Kananga Natasha Ellema Jung sa Miss Universe Philippines 2024 pageant.

Nagulat ang netizens nang hindi na nakasama si Miss Kananga sa official headshots na inilabas ng Miss Universe Philippines Organization kahapon, February 21.

Isa pa naman siya sa mga early favorites dahil nga sa kanyang classic beauty na kering-kering makapag-uwi ng titulo at korona.

At ngayong araw, February 22, mismong ang naturang kandidata ang nagbalita sa pamamagitan ng social media na totoong nag-withdraw na siya sa Miss Universe Philipines 2024 pageant.


Naglabas ng official statement si Natasha sa kanyang Instagram page at sinabing “personal reasons” ang dahilan ng pag-atras niya sa contest.

Baka Bet Mo: Mga miyembro ng BTS nag-renew ng kontrata sa Big Hit Music

Narito ang kanyang ibinahaging opisyal na pahayag: “I, Natasha Ellema Jung, announces today my withdrawal from participating in the upcoming Miss Universe Philippines 2024 as an official representativeof the Municipality of Kananga. Due to personal reasons.

“As of the moment, I would like to prioritize my personal growth and commitments, and not to further involve the organization on the matter.

“While stepping away as an official candidate of Miss Universe Philippines 2024. I will, nonetheless remain committed to, and continuously promote my individual causes,” paliwanag ni Miss kananga.

Pagpapatuloy niya, “I will use this time to reflect on myself, my priorities, and to address the personal matters that require my immediate attention.


“It is essential for me to take this opportunity to ensure that I am in the best possible state to navigate through this challenges effectively.

“I will also be evaluating my future commitments and endeavors, ensuring that I am able to dedicate myself fully when the time is right,” aniya pa.

Nagpasalamat din si Natasha sa pagkakapili sa kanya na maging representative ng Kananga sa Miss Universe Philippines 2024.

Baka Bet Mo: Natasha Jung kinoronahang Miss Caloocan 2023 kasabay ng pagdiriwang ng ‘Women Empowerment’

Kasunod nito, nag-sorry din siya sa kanyang mga tagasuporta at sa organizers ng Miss Kananga, “Lastly, I express my deepest gratitude for the opportunity to be part of such a prestigious competition and be named as Miss Universe Philippines Kananga 2024.

“I am genuinely appreciative of the support,love, and understanding of the Organization, particularly Ms. @aprilhappymuch, has extended to me throughout the process.

“At the same time, I would also like to extend my sincerest apologies to the organization of Miss Kananga, fellow participants, sponsors, supporters, most especially Ms. April Tanhueco- Miss Universe Philippines Kananga Accredited Partner for any nuisance, trouble or inconvenience caused by my withdrawal.

“Again, Sorry and thank you,” ang buong mensahe ni Natasha.

Habang isinusulat namin ang balitang ito ay wala pang inilalabas na official announcement ang Miss Universe Philippines Organization.

Read more...