Pokwang tinawag na chaka, rumesbak: Ipakita mo muna mukha mong t*e!

Pokwang sa tumawag sa kanya ng chaka: Ipakita mo muna mukha mong t*e!

Pokwang at Lee O’Brian

NAKIPAGBARDAGULAN na naman ang Kapuso TV host-comedienne na si Pokwang sa mga supporters ng American actor na si Lee O’Brian.

Talagang patol kung patol ang komedyana sa mga nagko-comment  hanggang ngayon sa Instagram post ni Lee last Valentine’s Day.

Isa sa mga pasabog na chika ni Pokey ay ang pinakahihintay niyang paglayas sa Pilipinas ng dating partner at ama ng anak niyang si Malia.

Baka Bet Mo: Lani Misalucha umaming nagkasakit: Nagkaroon po ako ng ‘shingles’…ang chaka!

Base ito sa naging sagot ni Pokwang sa isang IG user na nag-iwan ng komento sa Instagram post ni Lee noong February 14 kung saan binati ni Lee ang anak nilang si Malia.


Mababasa sa kanyang caption ang kanyang message na, “Happy Valentines Day to you, my Malia!! You’re always in MY heart and I love you!!”

Ilan sa mga nagkomento sa naturang post ay pinatulan ng komedyana, una na nga riyan ang nagsabing, “Pokwang will be triggered again.”

Sagot ni Pokey, “I’m so happy kasi lalayas na sya next month dahil kung hindi naka abang na si Tulfo at VAWC hahhahahhaha HAPPY!!!”

Baka Bet Mo: Kylie feeling ‘chaka’ noon kaya nagkaroon ng eating disorder: Being me is not beautiful…

May nagtanong namang netizen, “Asan si pokey? Hahahaha!” Sagot ng aktres, “Nasaan ako? eto nag pa file ng another case VOWC hahahhahahaa ready kayo?” na ang tinutukoy siguro ay ang kasong VAWC o Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004 (Republic Act No. 9262).

Isang IG follower naman ni Lee ang nanlait sa itsura ni Pokwang, “Ang chaka ng ugali mo kasing chaka ng itsura mo, bakit ngaun ka lng mag file ng kung ano ano dapat nuon pa.

“Dapat isa ka rin sa makasuhan dahil kinupkop mo xa at knows more na nag wowork xa ng hnd nmn work visa ang visa nya. Epokrita. Kaya ka cguro iniwan dahil sa ugali mong yan,” sabi pa ng hater.

Resbak sa kanya ni Pokwang, “Hoy UL*L bago mo ako tawaging chaka ipakita mo muna mukha mong t*e! ni wala ka ngang picture hahahaa ul*l ka! troll!!! Sipsep buto! lawyer ka pala edi tulungan mo yang kapwa mo ul*l!”

Hirit na tanong naman ng isa pang netizen kay Lee, “How about Pokwang? is she still in your heart.” Sagot ng komedyana, “Wala naman puso yang user nayan hahaaha.”

May nagtanong naman kay Pokwang ng, “Paano kung suyuin ka uli ? paano kung marealize nya na mahal ka nya talaga ? would you give him another chance? love is lovelier the second time around daw.”


Reply sa kanya ni Pokey, “Hindi kasi kung mahal nya talaga ako sa simula palang di nya ako sasaktan at di nya ako papipiliin, ipaglalaban nya ang makasama kami kahit ano pa nangyare samin bilang tao.

“Pero nangarap sya ng buhay sa pinas na gusto nya pero hindi pala kami kasama sa pangarap nyang iyon, at ang buhay na gusto pala nya ay, PARTY PARTY SA BGC!!!! Woohoooo EXPAT NA EXPAT YAYAMANIN WOOHOOO,” aniya pa.

“Nandito na naman aswang nang di maka move on,” ang komento ng isa pang IG user. Panunupalpal sa kanya ni Pokwang, “Kasi nandito kayong mga kapwa nya DEMONYO HAHAHAHA!”

Mensahe naman sa kanya ng isang netizen, “No matter what animosity exists, father and daughter bond should never be destroyed.”

Sagot sa kanya ng TV host, “Ask him who destroyed his bonding and relationship with his own daughter? ASK HIM WHO??????”

Read more...