Aktres kung kani-kaninong lalaki pumapatol, nahuli ng ex-bf na may ibang ka-sex | Bandera

Aktres kung kani-kaninong lalaki pumapatol, nahuli ng ex-bf na may ibang ka-sex

Cristy Fermin |January 29,2020
facebook
share this

Aktres kung kani-kaninong lalaki pumapatol, nahuli ng ex-bf na may ibang ka-sex

Cristy Fermin - January 29, 2020 - 01:05 AM

NAGING masalimuot ang kuwento ng pagmamahalan nu’n ng isang male singer at ng isang sexy actress. Maraming nanghihinayang sa kinauwian ng kanilang relasyon dahil bumibilang na ‘yun nang ilang taon.

Inaasahan na nga ng kanilang mga kasamahan at kaibigan na sila na ang magkakatuluyan pero may isang senaryong naghudyat sa kanilang paghihiwalay.

Pag-alala ng aming source, “Hanggang ngayon, kapag nagba-bonding kaming magkakaibigan, e, naaalala pa rin namin ang dating lovely couple na ‘yun. Kasi nga, nasubaybayan namin ang relasyon nila, e!

“Naging tapat ‘yung guy sa babae, pero ang nakakalungkot, ‘yung girl pala ang naging malikot! ‘Yun ang reason kung bakit sila nagkahiwalay,” simulang chika ng aming impormante.

Nagkaroon ng show sa isang malayong probinsiya ang male singer, hindi natuloy ang palabas, dahil nagkaroon ng aberya sa panig ng mga prodyuser.

Patuloy ng aming source, “So, nag-decide ang male singer na bumalik agad sa Maynila, hindi niya sinabi sa girlfriend niya na hindi natuloy ang show, gusto niyang sorpresahin ang girl!

“Nagbiyahe siya pauwi, gabing-gabi na siyang nakabalik, tumuloy siya sa condo unit ng girlfriend niya. Pero siya ang nagulantang, hindi siya ang nakapangsorpresa sa babae, dahil sa natuklasan niya!

“May ibang lalaki sa unit! Hindi niya kilala ang lalaking nasa kuwarto ng girl, may edad na ang lalaki, may ginagawa silang milagro ng sexy actress!

“Nu’ng komprontahin niya ang kasambahay ng girlfriend niya, e, natakot ang maid! Biglang kumanta, ganu’n daw talaga ang ginagawa ng girlfriend niya kapag may show siya sa probinsiya.

“Lalo na raw kapag sa ibang bansa ang performance ng male singer, e, mas matindi pa ang ginagawa ng girl, iba-ibang lalaki ang nagpupunta sa kanyang unit! Nalaman ng male singer ang mga milagrong ginagawa ng babae kapag wala siya.

“Marupok at mapusok ang babae, matagal niyang napaikot ang ulo ng male singer. Nu’ng gabi ring ‘yun, hiniwalayan na ng lalaki ang girlfriend niyang mahilig palang makipaglaro sa iba-ibang lalaki.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Pareho na silang may pamilya ngayon. Maganda ang buhay ng male singer, nakatagpo siya ng girl na totoong-totoo sa kanya. Magtino na sana ang sexy actress sa piling ng mister niya!

“Hay, naku! Maghulog na lang tayo ng tatlong beinte singko sa jukebox para magkantahan tayo!” pagtatapos ng aming impormante.
Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, todo na ang clue, getlak n’yo na kung sinu-sino sila, sa totoo lang!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending