Jasmine beach wedding ang trip; 'di nape-pressure sa pagbubuntis

Jasmine Curtis beach wedding ang trip; ‘di nape-pressure sa pagbubuntis

Ervin Santiago |February 21,2024
facebook
share this

Jasmine Curtis beach wedding ang trip; ‘di nape-pressure sa pagbubuntis

Ervin Santiago - February 21, 2024 - 09:27 AM

Jasmine Curtis beach wedding ang trip; 'di nape-pressure sa pagbubuntis

Jasmine Curtis, Jeff Ortega, Jerome Ponce, Jason Paul Laxamana at Diego Loyzaga

BEACH wedding ang trip ni Jasmine Curtis sakaling magdesisyon na silang magpakasal ng kanyang partner na si Jeff Ortega.

Mag-iisang dekada na ang relasyon nina Jasmine at Jeff at napag-uusapan na rin daw nila ang pagpapakasal pero feeling nila hindi pa raw ito ang tamang panahon para rito.

“Nothing parang concrete or detalyado. Parang kami kasi…on the go lang kami lagi. Coming soon? Parang pelikula, e, ‘di ba? Coming soon. ‘Yun lang,” ang nakangiting chika ng Kapuso star sa presscon ng latest movie niyang “A Glimpse of Forever” mula sa Viva Films.

Baka Bet Mo: Kilalang loveteam ayaw pang aminin ang relasyon kahit bukelya na; hunk model natakot kay Direk Tonette

At tungkol nga sa kanyang dream wedding, “Happy na ako sa beach side, somewhere lahat ng pamilya namin makakadalo kasi, siyempre, matatanda na parents namin, e. ’Yun ang pinakaimportanteng guests if ever.”

Natanong din ang aktres kung nakakaramdam ba siya ng inggit sa sisteraka niyang si Anne Curtis na super happy and contented na sa kanyang personal life bilang wifey and mommy.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Hindi naman. Actually, ini-enjoy ko nang bonggang-bongga ’yon. At least there’s no pressure for me to have my own child yet.

“Na-enjoy ko pa ’yong learning process. ‘Paano ba ito? ’Yan pala ang mga kailangan mong i-sacrifice o isantabi kapag parent ka na,” paliwanag pa niya.

Kaya talagang ini-enjoy na lang muna daw nila si Jeff ang kanilang buhay together habang wala pa silang anak.

“I think, nabubuksan din ’yung mga mata ko sa kung anong dapat enjoy-in ko ngayon na I’m still single, technically. We’re not married yet and wala pang kids,” aniya pa.

“Dito muna tayo sa mga pets, ’yung mga pwedeng kontrolin kung kailan kakain, ’di ba? Hindi ’yung mga magngangangawa na ‘Gutom na ako!’” sey ni Jasmine.

Sa ngayon, parang napa-practice na niya ang pagiging future mommy dahil sa pag-aalaga sa pamangkin niyang si Dahlia, ang anak nina Anne at Erwan Heusaff.

* * *

Mula sa direksyon ni Jason Paul Laxamana, inihahandog ng Viva Films ang pelikulang romance-drama at sci-fi “A Glimpse of Forever”, starring Jasmine Curtis bilang Glenda, Diego Loyzaga bilang Kokoy “The Boy Next Door” at Jerome Ponce bilang Dante.

Baka Bet Mo: Jasmine iniintriga ang lovelife; may inamin tungkol kay Alden

Dahil may pinagdadaanan si Glenda sa kanyang buhay pag-ibig, susubukan niya ang ForeVR, isang virtual dating studio. Sa pamamagitan ng Virtual Reality (VR), pwede niyang maka-date ang tinatawag na The Bad Boy, The Rich Guy, Gigolo, at Worker. Pero ang pipiliin niya ay si
Kokoy aka “The Boy Next Door”.

Nang makaharap ni Glenda si “The Boy Next Door”, na-turn off siya sa masyado nitong pagkaprangka. Nakabawi naman ito, at best friend na ang turing sa kanya ni Glenda.

Si Dante ang tao sa likod ni The Boy Next Door. Dati siyang theater actor, at dahil sa matinding social anxiety, pumasok na lang ito sa ForeVR bilang Motion Capture Actor. Dahil tago naman ang kanyang mukha, dito niya nailalabas ang galing sa pag-arte.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by VIVA Films (@viva_films)


Habang nakikilala ni Dante si Glenda sa virtual world, nai-in love na ito sa kanya. Ganoon rin naman si Glenda.

Mapagpapatuloy ba nila ito sa totoong buhay gayong may karelasyon pa rin si
Glenda? Meron kaya silang forever sa labas ng ForeVR?

Kinikilala sa industriya ang husay sa pag-arte nina Jasmine, Diego at Jerome.

Para sa kanyang pagganap sa “Siargao”, nagwagi bilang Best Supporting Actress si Justin sa 2018 FAP Awards at 2017 MMFF Awards, at Best Supporting Actress sa 2013 Cinemalaya Independent Film Festival at 2014 Breakthrough Performance by an Actress sa Golden Screen Awards para sa pelikulang “Transit”.

Si Diego ay nakakuha ng Best Actor nomination sa Famas Awards para sa “Greed”, habang si Jerome Ponce ay nominated rin bilang Best Actor sa 2022 Famas Awards at 2023 FAP Awards para sa “Katips”.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Tunghayan ang kanilang pagganap sa “A Glimpse of Forever” na mapapanood na sa mga sinehan sa March 6.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending