Sharon, Gabby parehong nag-sorry kay Janice: Nahiya talaga ako!

Janice inalala ang pagso-sorry ni Sharon dahil kay Gabby: Nahiya ako!

Sharon Cuneta, Gabby Concepcion at Janice de Belen

NEVER nagkaroon ng isyu o away sa pagitan nina Megastar Sharon Cuneta at Janice de Belen tulad ng paniniwala ng ilan sa kanilang mga tagasuporta.

Ayon kay Janice, hinding-hindi niya makakalimutan ang paghingi ng paumanhin sa kanya noon si Sharon nang dahil sa dating matinee idol na si Gabby Concepcion.

Parehong naging bahagi ng buhay nina Mega at Janice si Gabby. “First love” ni Janice ang aktor na naging asawa naman ni Sharon noong 1984 hanggang sa maghiwalay din makalipas ang ilang taon.


Sa bagong YouTube vlog ni Snooky Serna, binalikan ni Janice ang paghingi ng tawad sa kanya ni Sharon on national TV  television at ang pagso-sorry ni Gabby nang muli silang magtambal sa pelikula.

Baka Bet Mo: Hugot ni Janice sa ‘cheating’: Ang daling magpatawad, sasabihin mong, ‘I’m sorry, hindi na mauulit uli’, pero ganu’n pa rin

Sumalang si Janice sa “Pick-a-Name” game at ang unang pangalan na nabunot niya ay si Sharon. Dito na nga niya naikuwento ang naging “past” nila ng Megastar.

“Siyempre, nagkaroon kami ng konting issue because of Gabby. Nu’ng natapos na rin kami ni Gabby (nag-break), parang tapos na rin yon,” chika ni Janice.

“Pero okay naman kami (ni Sharon). I mean, we see each other, we’re fine, we’re okay, we have no problems.

“And I remember, si Sharon actually apologized on TV, na nahiya ako kasi parang feeling ko, sobrang liit na bagay para mag-apologize siya.

“But she did apologize. Na-appreciate ko yon. Pero nahiya ako doon kasi hindi ko alam kung bakit kailangan niyang mag-apologize, wala naman iyon.

“But, you know, we’re okay. We’re okay,” pagbabahagi pa ni Janice.

Hinding-hindi rin niya makakalimutan ang ginawa ni Sharon sa kanya noong isilang niya ang anak nila ni Aga Muhlach na si Luigi.


Lahad ng premyadong aktres, “When I was pregnant with Luigi, siguro dahil alam nga niya nung time na pregnant ako dun sa first (baby) ko, siyempre big deal yon.

“Laman ako ng lahat ng kuwentuhan ng mga Marites nung time na yon, pati nung church laman ako noon.

“She was very supportive. She sent me flowers and sent me a letter. So, na-appreciate ko yon,” kuwento pa niya.

Baka Bet Mo: Janice de Belen sa trending scene sa ‘Dirty Linen’: Huwag niyo pong gagawin ‘yun

After Sharon, ang name naman ni Gabby ang nabunot ni Janice. Halatang naiilang ang aktres na mapag-usapan ang aktor. Pero nilinaw niya na maayos ang breakup nila at friends pa rin sila until now.

“Alam na natin yan. E, yan naman ang first love ko, di ba? It’s just nice because after all those years, Gabby and I are friends.

“Minsan pagkukuwentuhan namin yung past, lolokohin ko pa siya, and, you know, game na game siya.

“So, wala akong galit whatsoever kay Gabby because we’re friends, di ba? Okay kami. Walang drama. May closure and we’re really okay,” aniya.

Ibinahagi rin niya ang paghingi ng tawad sa kanya ni Gabby nang magtambal uli sila pelikulang “Rosenda” na ipinalabas noong 1989.

“What happened to us when we were doing Rosenda, he apologized to me. Sabi niya sa akin, ‘Whatever hurt I caused you, I wanted to say I’m sorry,’” pagbabalik-tanaw pa ni Janice de Belen.

Read more...