Jaya, 2 pang kasama naaksidente sa US habang papunta sa concert ni Regine

Jaya, ilang kapamilya naaksidente sa US habang papunta sa concert ni Regine

Regine Velasquez at Jaya

BINANGGA ang sinasakyang Jeep SUV ng singer na si Jaya kasama ang kanyang kaibigang doktora, tiyahin at ilang kaanak nito.

Patungo sila sa Graton Casino and Resort, Golf Course Dr W, Rohnert Park CA para sa concert ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez.

Base sa ipinost ni Jaya sa kanyang Instagram account ay malakas ang impact ng pagkakabanga sa likod ng sasakyan nila dahil halos madamay ang ikalawang row ng SUV at matanggal ang bumper nito.

May dumating namang medic para dalhin sila sa hospital.

Ang caption ng singer, “On a ride from Sacramento, California, on the way to Graton Casino to see my friends and watch Regine V’s concert…when all of a sudden we get into a car collision.

Baka Bet Mo: Vicki Belo first time makakita ng katol, Vice natawa: Kahit doktor sila may mga bagay na mas matalino tayo sa kanila

“My friends Dr. Josephine Weber was driving and with us was Auntie Merly Escolta (her cousin) when suddenly we get hit from the back. I am doing ok but my friends are being checked and they will be alright, by God’s grace,” aniya.

Laking pasalamat ni Jaya sa Panginoong Diyos dahil wala namang serious injury na inabot ang mga kasama niya.


“Thank you Jesus for sending us divine protection and covering us with your blood. It could’ve been super worse. I’m glad Doc and Auntie Merls are ok.

“Thank you Lord for making it another day. I am grateful for your mercy and grace. Praise your Holy name,” saad niya.

Baka Bet Mo: Jaya nakalipat na sa bagong tahanan matapos masunugan sa US: Thank you Lord for new beginnings!

At ang payo niya sa mga commuters, “Please wear your seatbelts, AT ALL TIMES WHEN YOU ARE IN A VEHICLE, especially if you’re a back seat passenger.”

Dahil sa nangyari ay nagsabi na si Jaya na hindi na sila nakapunta sa concert ni Regine na kaagad namang nag-alala ang huli.

Tanong ni Songbird, “Oh my goodness are you ok??”

Sagot ni Jaya, “Love you Mare sorry di ako nakarating sa concert mo and thank you Pare @ogiealcasid.”

Maraming kasamahan si Jaya sa industriya ang nag-alala rin sa kanya at nag-alay ng panalangin.

Komento ni Vina Morales, “My love and prayers to all of you dai.  God is Good all the Time.”

Sabi ng “It’s Showtime” host na si Amy Perez Castillo, “Thank you Jesus! Ingat Mare @jaya God bless.”

Ayon kay Shyr Valdez, “Praise God for this grace that you are ok. Will pray for your friends Sis. Ingat. Love you Luisa.”

Comment ng kapatid ni Jaya sa Cornerstone Entertainment na si Erik Santos, “Praise God you are all okay Ate Iyay (praying hands emoji).

Nag-post din ang kaibigan ni Jaya na si Dra. Vicki Belo, “Praying that everyone will be ok.  No injuries to the heart and mind. May God bless you and keep you safe always.”

Read more...