NASA Senado ang dating Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chairperson na si Liza Diño para sa isinusulong na Eddie Garcia Law.
Ang post niya sa kanyang Facebook account ay, “BREAKING NEWS:
“EDDIE GARCIA LAW PASSED ON ITS 3RD AND FINAL READING IN SENATE.
“For all those who have fought long and hard to achieve fair working conditions in the film and entertainment industry, mabuhay po kayo!
“Worth it ang pagod at sakripisyo nating lahat para ipaglaban ang nararapat na batas para proteksyunan ang ating mga film workers.
Baka Bet Mo: Herlene Budol rumampa sa Senado, pinahanga sina Robin Padila, Bato dela Rosa, Raffy Tulfo at Bong Go
“On this day, panalo ang mga manggagawa ng industriya ng Pelikulang Pilipino! (praying hands emoji),” pahayag pa ni Liza.
Matatandaang naaksidente ang award winning actor and director na si Ginoong Eddie Garcia noong Hunyo, 2019 sanhi ng pagkakaroon ng neck cervical fracture.
Twelve days na-comatose ang aktor matapos maaksidente habang nagsu-shoot para sa GMA series na “Rosang Agimat” sa Tondo, Manila. Natapilok si Manong Eddie dahil sa kableng ginagamit sa shooting.
Baka Bet Mo: Ruffa emosyonal dahil sa health status ng amang si Eddie Gutierrez
At dito na nabuksan ang mga problema sa production lalo na sa long working hours ng shooting o taping nang walang overtime pay bukod pa sa walang mga benepisyo.
Kaya naman naisipang maghain ng Senate Bill 2505 o Eddie Garcia Law at isa si Sen. Lito Lapid sa author nito.
Ang nakapaloob sa bill ay limitado na ang working hours ng shooting o taping mula 8 hanggang 14 maximum at bukod sa oras ng tanghalian at hapuan.
Dapat ay nasa 60 hours lang ang oras ng trabaho kada linggo maliban sa mga senior citizen edad 60 na puwedeng hindi abutin sa nasabing oras.
Nakalagay din na dapat ay nasa minimum wages ang pasuweldo sa mga manggagawa kasama ang independent contractors at dapat ay may mga benepisyo rin.