Jaya nakalipat na sa bagong tahanan matapos masunugan sa US: Thank you Lord for new beginnings!
FEELING blessed and thankful pa rin ang Soul Diva na si Jaya pati na ang kanyang pamilya kahit pa nasunog ang bahay nila sa Washington D.C. sa Amerika.
Abot-langit ang pasasalamat ng singer-actress dahil sa kabila nga ng pinagdaanang trahedya ay sama-sama pa rin silang pamilya at unti-unti nang nakakatayong muli.
Ayon kay Jaya, napakaraming mabubuting puso ang tumulong sa kanila kaya naman makalipas lamang ang ilang araw ay agad din silang nakalipat ng bagong tahanan.
View this post on Instagram
Sa kanyang Instagram, pinasalamatan ni Jaya ang lahat ng tumulong sa kanila ng asawang si Gary Gotidoc kalakip ang mga litrato na kuha sa kanilang bagong bahay.
“August 19 is our first day in our new home. Thank you to all of you who helped us through different ways.
“Your love, prayers, encouragement and those who gave from the heart, we will always lift you up in prayers. We will do a video soon. Thank you Lord for new beginnings,” ang caption ng Soul Diva sa kanyang IG post.
Bukod sa mga IG followers ng award-winning veteran singer, nagkomento rin ang ilan kaibigan niya sa showbiz tulad nina Gary Valenciano at Jackielou Blanco. Natutuwa sila at nagpasalamat din sa Diyos dahil maayos na uli ang kalagayan ng kanyang pamilya sa Amerika.
Nauna rito, ibinalita nga ni Jaya sa madlang pipol na sinagot agad ng Panginoon ang kanilang dasal na sana’y makakita na sila ng bagong tirahan matapos masunugan.
Ipinost pa niya ang aprubadong house rental application ni Gary sa Richardson City, Washington, “I am so excited to share this with you friends. Grabe naman po kayo Lord!!!
“8 days after our house burned down, my husband Gary received these blessings on his email on Aug. 15!
“A new home and a new job!!! Again, I don’t know what else to say but thank you Lord!
“And again, may I say thank you to Jesus, you are at the center of it all,” ang caption ni Jaya sa kanyang Instagram photos.
Dagdag pa ng award-winning singer, isang katuparan ito ng dasal niya (mula sa Deuteronomy 30:3), “God, your God, will restore everything you lost; he’ll have compassion on you; he’ll come back and pick up the pieces from all the places where you were scattered.”
Hulyo noong nakaraang taon nang umalis si Jaya at ang kanyang buong pamilya sa Pilipinas upang manirahan na sa Amerika. Sa ngayon naman ay patuloy pa rin ang pagpe-perform ni Jaya sa mga kapwa niya Pinoy doon.
https://bandera.inquirer.net/321462/jaya-humiling-ng-tulong-matapos-masunog-ang-bahay-sa-us-this-will-really-help-us-get-back-on-our-feet
https://bandera.inquirer.net/319761/regine-jaya-muling-nagkita-super-bonding-sa-amerika-kulang-ang-oras-pero-grabe-ang-chika-di-ba
https://bandera.inquirer.net/320906/bahay-nina-jaya-sa-us-nilamon-ng-apoy-god-is-so-good-we-are-all-safe
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.