Vicki Belo first time makakita ng katol, Vice natawa: Kahit doktor sila may mga bagay na mas matalino tayo sa kanila | Bandera

Vicki Belo first time makakita ng katol, Vice natawa: Kahit doktor sila may mga bagay na mas matalino tayo sa kanila

Therese Arceo |January 08,2022
facebook
share this

Vicki Belo first time makakita ng katol, Vice natawa: Kahit doktor sila may mga bagay na mas matalino tayo sa kanila

Therese Arceo - January 08, 2022 - 07:37 PM

Vicki Belo first time makakita ng katol, Vice natawa: Kahit doktor sila may mga bagay na mas matalino tayo sa kanila

MARAMI ang naaliw nang makita ang other side ng Asia’s beauty icon na si Dra. Vicki Belo nang i-house raid siya ni Vice Ganda sa latest vlog ng huli.

Sa umpisa ay tila seryoso ang house tour ng dalawa hanggang sa niyaya na ni Vice si Dra. Vicki na libutin ang kanyang kwarto.

Sa paglilibot nga ni Vice ay marami siyang mga natagpuang “dirty secret” ni Dra. Vicki gaya ng maduming electric fan.

Sa paghiga naman ni Vice sa kama ni Dra. Vicki Belo ay agad niyang napansin ang butas na bedsheet at ang maduming brief sa ilalim ng unan na tila sinadya para i-playtime ang doktora.

Sa patuloy na paghahalughog ni Vice sa kwarto ng doktora ay nakakita ito ng katol.

“Marunong ka bang gumamit nito?” tanong ni Vice kay Dra. Belo.

Tila first time namang makakita ng doktora ng katol kaya hindi niya alam kung paano ito paghiwalayin.

Sa huli ay nagawa namang paghiwalayin ni Dra. Vicki Belo ang dalawang katol na walang nababali kaya ang next challenge sa kanya ni Vice ay kung paano ito sisindihan at ilalagay sa stand.

Talaga namang ang funny ni Dra. Belo dahil kitang-kita na inosente siya sa ginagawa at litong lito paano gagamitin ang stand ng katol.

Maski ang iba pa nilang kasama sa bahay ay aliw na aliw sa kawalang ideya ni Dra. Vicki Belo sa kanyang ginagawa.

“Kahit doktor sila may mga bagay na mas matalino tayo sa kanila,” natatawang saad ni Vice.

Matapos ang ilang subok ay napagtagumpayan naman niya ang hamon ni Vice at nalaman na ang tamang gamit ng stand.

Napuno naman ng palakpakan mula kina Vice at mga kasama ni Dra. Belo sa bahay nang matapos ng doktora ang challenge.

“Thank you for giving me life skills! Thank you so much!” sey pa ng doktora.

Marami sa mga netizens ang talaga namang natawa sa pagiging natural ni Dra. Vicki Belo at hiling nila na magkaroon pa ng mas maraming vlogs na magkasama sina Vice at Dra. Belo dahil tiyak na good vibes lang ang hatid nito at paniguradong hahagalpak tayong muli kakatawa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Related Chika:
Vicki Belo ‘hiningi’ si Scarlet kay Hayden: Can you give me a Belo baby?
Hayden Kho kinarir ang make-up lessons para kay Vicki Belo

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending