Josh Cullen, Pinoy rapper Yuridope nagsanib-pwersa

Josh Cullen, Pinoy rapper Yuridope sanib-pwersa sa remix ng ‘Get Right’

Pauline del Rosario |February 18,2024
facebook
share this

Josh Cullen, Pinoy rapper Yuridope sanib-pwersa sa remix ng ‘Get Right’

Pauline del Rosario - February 18, 2024 - 06:15 PM

Josh Cullen, Pinoy rapper Yuridope sanib-pwersa sa remix ng ‘Get Right’

PHOTO: Courtesy of Sony Music

MATAPOS maging hit ang “Get Right” ng SB19 member na si Josh Cullen, naglabas naman siya ngayon ng remix nito.

Ang nakasama pa niya riyan ay ang Pinoy rapper na si Yuridope.

Kwento ni Josh sa inilabas na pahayag ng Sony Music, “I’ve been eyeing a remix for ‘Get Right’ with a local artist, and boom, Yuridope pops up.”

Pagpupuri pa ng lead rapper at vocalist ng SB19, “The dude is not just talented; he is genuine. And that verse of his? It was like he blinked and boom, and it was done. Literal na naglabada lang.”

Baka Bet Mo: Josh Cullen game sa aktingan: ‘Gusto ko parang psycho, ‘yung medyo uncommon’

Sinabi rin ng P-Pop star na dahil sa remix ay tila binuksan nito ang pintuan upang ipagsama ang iba’t-ibang music genre.

Para sa bago niyang remix, naghalo ang hip-hop at pop kaya tinawag niya itong “hip-pop.”

“This collaboration opens doors to new connections and possibilities, enriching our musical journey and expanding our reach. And with this remix, we’re kicking off a larger journey, pioneering a unique sub-genre I’d like to call ‘hip-pop,’ which promises to bring even more innovation and excitement to the music scene,” sey ni Josh.

Ang original version ng “Get Right” ay inilabas ng singer noong Disyembre at naimbitahan pa nga niya ang BANDERA sa press conference nito.

Ipinakilala pa nga niya sa piling entertainment press ang mga naka-collab niya sa single na sina Ocho the Bullet at ang UK-based indie icon na si No Rome.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nauna na ring ibinunyag ni Josh na ang mensahe na nais niyang iparating sa latest single ay isang “declaration of my return sa solo journey ko.”

Ang remix ng “Get Right” ay mapapakinggan na sa lahat ng digital music platforms worldwide via Sony Music Entertainment.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending