Lovi Poe tampok sa Hollywood indie film na ‘Bad Man’: ‘I can’t wait!’
ISANG buwan matapos magpaalam sa “FPJ’s Batang Quiapo,” proud na inanunsyo ng aktres na si Lovi Poe na kabilang siya sa isang upcoming Hollywood independent film!
Pinamagatan itong “Bad Man” na pinagbibidahan ng “American Pie” star na si Seann William Scott.
Makakasama rin ng aktres sina Johnny Simmons (“The Perks of Being a Wallflower”), Rob Riggle (“21 Jump Street”), Chance Perdomo (“After We Fell”), at Andre Hyland (“Barry”).
Ang exciting news ay mula sa exclusive report ng “Deadline” na kinumpirma naman mismo ni Lovi sa kanyang social media post.
Sa Instagram, ibinandera ng aktres ang screenshot ng naging headline ng nasabing balita, pati na rin ang ilang selfie kasama ang ilang Hollywood co-stars.
Baka Bet Mo: Lovi Poe imposibleng mabuntis habang ginagawa ang ‘Batang Quiapo’
Aminado si Lovi na siya ay super excited na sa upcoming film.
“So happy to finally announce being part of Bad Man!” caption niya sa IG post.
Wika pa niya, “I can’t wait to share more about this amazing film with an even more amazing cast! (Yes, this was the reason why I was in Alabama!)”
View this post on Instagram
Katulad ni Lovi, excited din ang ilang kapwa-artista sa kanyang ongoing Hollywood project.
Ilan lamang sa mga nagpaabot ng “congratulatory” messages ay sina Max Collins, Iza Calzado, Jericho Rosales, Janine Gutierrez, Baron Geisler, Ivana Alawi, at marami pang iba.
“Soooooooo proud of you babe you’re killin it over there! [clapping hands emojis],” komento ni Max.
Lahad naman ni Iza, “So incredibly proud of you!!! [heart emojis]”
Ani ni Baron, “Congratulations Lovi!!! [emoji]”
Ang action-comedy film na “Bad Man” ay isang true story na tungkol sa isang federal state police officer na may serious meth problem na nakipag-team up sa isang “morally strict” local deputy upang maimbestigahan ang isang murder.
Kabilang sa mga producer ng pelikula ay ang kanyang mister na si Monty Blencowe.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.