Isabel Santos kinilig sa Valentine's date with John Lloyd Cruz

Isabel Santos kilig na kilig sa Valentine’s date kasama si John Lloyd Cruz

Pauline del Rosario |February 16,2024
facebook
share this

Isabel Santos kilig na kilig sa Valentine’s date kasama si John Lloyd Cruz

Pauline del Rosario - February 16, 2024 - 09:35 AM

Isabel Santos kilig na kilig sa Valentine's date kasama si John Lloyd Cruz

PHOTO: Instagram/@isabelreyessantos

KAHIT magkasintahan na, kilig to the max pa rin ang artist and illustrator na si Isabel Santos sa kanyang showbiz partner na si John Lloyd Cruz.

Sa isang Instagram post, ibinandera ni Isabel ang nakakakilig nilang pictures na magkatabi at magkatinginan pa sa isa’t-isa.

Makikita na pareho pa silang naka-black kung saan suot ni Isabel ang isang maxi dress, habang si Lloydie ay naka-blazer at palda.

May isang litrato rin na nilagyan niya ng doodled pink hearts sa paligid ng aktor upang ipakita ang kanyang “admiration” o paghanga.

“Hirap itago ang kilig ko,” sey ng illustrator sa IG caption.

Baka Bet Mo: John Lloyd Cruz umamin na: Si Isabel ay girlfriend ko, boyfriend niya ako

Maliban pa riyan ay proud ding ipinost ni Isabel ang kanyang boyfriend sa Instagram Stories.

“It’s officially love season! Show off your love [red heart emoji],” lahad sa kanyang post.

Isabel Santos kilig na kilig sa Valentine's date kasama si John Lloyd Cruz

PHOTO: Instagram Story/@isabelreyessantos

Kung maaalala, noong Oktubre ng nakaraang taon nang kinumpirma ni John Lloyd ang real score nila ni Isabel makalipas ang dalawang taong “dating rumors.”

Kwento ng batikang aktor sa naging panayam noon sa “Fast Talk with Boy Abunda,” nagkakilala sila ni Isabel sa isang art gallery na pagmamay-ari ng pamilya ng kanyang girlfriend.

Maliban sa solo trips, madalas ding makita ang couple na nakikipag-bonding kay Elias, ang anak ni John Lloyd sa aktres na si Ellen Adarna.

Maayos na maayos ang co-parenting nina Ellen at John Lloyd sa kanilang anak.

Sa katunayan nga, ibinunyag noon ni Ellen na galante sa pagbibigay ng sustento ang batikang aktor.

Kwento ng aktres, mismong si John Lloyd pa ang nagtanong kung magkano ang dapat niyang ibigay.

Sinabi raw niya na sampung libo, ngunit kusa raw nitong dinodoble ang ibinibigay kada buwan.

“He asked me how much does Elias need. I gave him a breakdown, just his basic needs and that’s P10,000 max. But he insisted on doubling it,” chika niya.

Ayon pa kay Ellen, nilimitahan lang niya ang hinihinging sustento sa dating partner dahil alam niyang may obligasyon din siya na dapat tuparin para sa kanilang anak.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Matatandaan taong 2017 nang maging mag-dyowa sina Ellen at John Lloyd.

Matapos ang isang taon ay isinilang na ni Ellen ang kanilang anak na si Elias at pagdating ng 2019 ay opisyal nang naghiwalay ang dalawa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending