Kathryn, Kakai nag-‘ninang’ sa miracle baby nina Lovely, Benj

Kathryn, Kakai nag-‘ninang’ sa miracle baby nina Lovely, Benj

Pauline del Rosario |February 15,2024
facebook
share this

Kathryn, Kakai nag-‘ninang’ sa miracle baby nina Lovely, Benj

Pauline del Rosario - February 15, 2024 - 03:31 PM

Kathryn, Kakai nag-‘ninang’ sa miracle baby nina Lovely, Benj

PHOTO: Instagram/@lovelyabella_

BININYAGAN na ang “miracle baby” ng mag-asawang Lovely Abella at Benj Manalo na si Baby Liam Emmanuel.

Sa social media, ibinandera ni Lovely ang masasayang moments kasama ang mga ninong at ninang ni Baby Liam.

At makikita nga sa pictures ang ilang fellow celebrities, kabilang na ang aktres na si Kathryn Bernardo at komedyana na si Kakai Bautista.

Sa isang Instagram post, inalala ng celebrity mom kung paano nabuo ang kanilang friendship noong nagkasama sila sa pelikulang “Hello, Love, Goodbye.”

Kwento niya, “Nagsimula ang lahat sa [isang] pelikula at nangako na magiging magkaibigan kahit sa labas ng industriya.”

Baka Bet Mo: Anak nina Iza Calzado at Bianca King magkasabay na bininyagan

Sinabi rin niya na kahit may kanya-kanya na silang buhay ay lagi pa rin daw nandyan ang isa’t-isa upang magdamayan sa mga panahon ng kalungkutan o kasiyahan.

At dahil daw sa kanyang anak ay mas titibay pa raw ang kanilang relasyon.

“Mahal ko kayo My Ga @bernardokath and ate @ilovekaye at hanggang sa pagtanda may lalong magpapatibay sa samahan natin si Liam Emmanuel [red heart emoji],” sey pa niya.

Mensahe pa niya, “Salamat at tinanggap ninyo maging ninang ng anak ko at gusto ko kayo kasama sa paglaki niya [red heart emoji].”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Lovely Abella-Manalo (@lovelyabella_)

Kasunod niyan ay ibinandera rin niya ang iba pang mga kaibigang artista na sina Valeen Montenegro at Chariz Solomon na ninang din ng kanyang anak.

“Ang pagmamahal ko sa inyo ay umaapaw, salamat sa friendship na meron tayo, ang dami nating pinagdaanan at nanaig ang pagmamahal sa bawat isa. Ang daming nagbabago sa buhay natin pero nananatili matatag,” sambit niya sa IG kalakip ang pictures nilang apat.

Patuloy niya, “Nakaka-excite ang mga susunod na kabanata sa buhay natin.”

“Thank you sa pa-surprise, masaya si Liam na nakasama niya ang magagandang ninang niya [red heart emoji],” ani pa ni Lovely.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Lovely Abella-Manalo (@lovelyabella_)

Kung matatandaan, Noong Setyembre ng nakaraang taon nang isinilang ni Lovely ang miracle baby nila ni Benj.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ayon kay Lovely, napakaraming hirap at sakripisyo ang dinanas niya mula sa siyam na buwang pagbubuntis hanggang sa kanyang panganganak.

Noong January last year naman nang ibinalita ng komedyana na makalipas ang tatlong taong pagta-try nila ni Benj na magkaroon ng baby ay sa wakas dumating na ang matagal nilang hinihiling.

Samantala, mayroong 15-year-old daughter na si Lovely mula sa dati niyang relasyon – si Crisha Kaye Coja.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending