Enrique ibinuking ni Nikko Natividad: Umaasim din kapag pinagpapawisan

Enrique ibinuking ni Nikko Natividad: Umaasim din kapag pinagpapawisan

Enrique Gil, Pepe Herrera at Nikko Natividad

“UMAASIM” din daw ang Kapamilya actor at businessman na si Enrique Gil kapag sobrang pinagpapawisan dahil sa matinding init.

Iyan ang nakakalokang pambubuking ng actor-dancer at dating Hashtag member na si Nikko Natividad tungkol kay Quen (palayaw ni Enrique).

Natanong kasi si Nikko kung ano ang isang katangian ng Kapamilya actor na nadiskubre niya habang ginagawa nila ang pelikulang “I Am Not Big Bird”.

Sa nakaraang episode ng Kapamilya morning talkshow na “Magandang Buhay”, inilarawan ni Nikko si Enrique bilang co-actor sa “I Am Not Big Bird.”

Baka Bet Mo: Nikko Natividad ginaya ang swimsuit photo ni Elisse Joson, pinapili si McCoy: Bakit ako ang iuuwi mo?

“Kay Nikko naman, first time mong makatrabaho si Quen. How was the whole experience?” tanong ng host ng show na si Regine Velasquez.

“Masaya. Saka kasi ang tingin ko dati kay Enrique kapag nakikita ko siya sa Instagram perfect siya, e. ‘Yun pala kapag pinapagpawisan siya, umaasim din siya,” birong pahayag ni Nikko.


“Oo,” ang pagsang-ayon naman ng stand-up comedian at co-star din nilang si Red Ollero.

“Kasi lagi kaming pawis sa Thailand, e. Nasa initan kami. Pero talagang mukha siyang mabango lagi, ‘no? Amoy pulbo, e,” chika pa ni Nikko.

Super laugh naman si Enrique sa mga punchlines ni Nikko tungkol sa kanya pati na rin ang mga hosts ng “Magandang Buhay.”

Showing na ngayong araw, Valentine’s Day, ang “I Am Not Big Bird.”

Read more...