Kapuso hunk Kimson Tan gustong papakin ng mga beki

Kimson Tan gustong papakin ng mga beki; hindi pa kering magpakita ng pwet

Ervin Santiago |February 14,2024
facebook
share this

Kimson Tan gustong papakin ng mga beki; hindi pa kering magpakita ng pwet

Ervin Santiago - February 14, 2024 - 06:20 AM

Kimson Tan gustong papakin ng mga beki; hindi pa kering magpakita ng pwet

Kimson Tan

MAS dumami pa ang mga bading na nagpapantasya at natatakam sa Kapuso actor na si Kimson Tan.

Ito’y matapos ngang bumandera sa social media ang mga litrato niyang naka-swimwear kasama ang mga kapwa Sparkle artists na sina Bruce Roeland at Migs Villasis.

Ginawa ito ng tatlong Kapuso actors para sa December 2023 issue ng isang US-based magazine.

Bukod dito, pak na pak din sa mga beki ang pagganap niya bilang pa-booking na binata sa Kapuso limited series na “Lovers & Liars” na pinagbidahan ni Claudine Barretto.

Baka Bet Mo: Kimson Tan pasadong maging oppa; nagagamit ang mga natutunan sa basketball sa pagiging artista

Napapanood din siya sa weekly Kapuso sitcom na “Open 24/7” kasama sina Bossing Vic Sotto at Maja Salvador. At may pelikula rin siyang ipalalabas ngayong buwan.

Kaya naman feeling thankful and blessed si Kimson dahil napakaganda ng pasok ng 2024 para sa kanya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kimson Tan 陈锦顺 (@kimsontann)


“Sobrang thankful po, lalo po ngayon, nasa Beautederm ako. Nagpapasalamat po ako sa lahat ng sumusuporta sa akin since day one, my management, sobrang thankful po ako,” pahayag ni Kimson.

Nakachikahan namin kasama ang ilan pang miyembro ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) ang Kapuso hunk sa thanksgiving at Chinese New Year celebration ng kumpanya ni Rhea Tan last Saturday sa Beautederm Headquarters sa Angeles City, Pampanga.

Tungkol naman sa sexy pictorial nila nina Bruce at Migs, “Sa akin naman, may masabi po sila or what, at the end of the day, I’m just doing my thing.

Baka Bet Mo: Marco dumami ang indecent proposal dahil sa ‘papwet’ sa movie; inalok ng P35k kapalit ng…

“And as long as wala namang inaapakang ibang tao, Okay lang po ako. Basta thankful lang po ako sa support nila lagi,” sey ng binata.

Natanong din si Kimson kung handa na ba siyang lagpasan ang mga daring scenes niya sa “Lovers & Liars”, “To be honest po, sa ngayon, feel ko, konting push pa sa sarili at kaunting workout.

“Pero hindi ko po isinasarado ang pinto. Gusto ko rin pong mag-explore ng iba’t ibang karakter.

“So ngayon po, hindi ko po isinasarado yung pinto, pero gusto ko pong mag-workout pa lalo para maging mas confident pa po ako,” aniya pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sundot na question sa kanya, papayag ba siya sakaling mag-offer sa kanya ang Vivamax, “No.” Hindi pa rin daw siya ready na magpakita ng pwet sa pelikula.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending