Bakit nadamay si Mayor Bullet Jalosjos sa hiwalayang Dominic at Bea?

Bakit nadamay si Mayor Bullet Jalosjos sa hiwalayang Dominic at Bea?

Bullet Jalosjos, Dominic Roque at Bea Alonzo

LUMUTANG ang pangalan ni Dapitan Mayor Bullet Jalosjos bilang ang politikong nagmamay-ari umano ng condo unit na tinitirhan ni Dominic Roque.

Nadawit ang alkalde sa hiwalayang Dominic at Bea Alonzo dahil siya ang itinuturong owner daw ng condo unit na ginagamit ngayon ng dating aktor.

Ang nasabing condo ay matatagpuan sa Pasig City at matagal nang inuupahan ni Dominic at ayon sa aming source ay magkabarkada sila ng nasabing mayor.

Baka Bet Mo: True ba, si Willie Revillame raw ang lumapit sa pamilya Jalosjos para ialok sa TAPE ang ‘Wowowin’?

Pareho raw mahilig sa sports ang dalawa at ito rin ang dahilan kung bakit nagpupunta sila sa ibang bansa para sa ilang competition.


Kaya namin ito nasulat ay dahil magkakilala rin umano sina Bea at Mayor Bullet at sa katunayan ay ilang beses na silang nagkakasama sa mga events na hindi lang lumalabas sa social media ang kanilang mga larawan.

Baka Bet Mo: Apela ni Bullet Jalosjos: ‘Sana bigyan po kami ng chance, ang bagong stars ng Eat Bulaga’

Tsika ng aming kausap, “Sabagay wala namang binanggit na may relasyon sina Dom at Bullet, puro lang ispekulasyon at kung alam lang ng lahat, ang daming babae nu’n. Ha-hahaha!”

Sa kabilang banda ay may nasambit naman ang beteranong manunat at host na si Jobert Sucaldito sa YouTube channel niyang “Jobert and Chaps” na may negosyo sina Dom at Mayor Bullet.

Pero hindi naman niya mabanggit kung ano ito, pero sa pagkakaalam niya ay hindi ito hayagang ipinaaalam sa publiko.

Anyway, pinadalhan kami ng litrato ng aming source na sa isang event ay nasa iisang lamesa sina mayor Bullet, Dom at Bea at panay nga raw ang kuhanan nila roon.

“Feeling ko ‘yung dahilan ng hiwalayan nina Dom at Bea tungkol sa plano nilang kasal saka maraming outside forces na nakikialam,” sabi ng aming source.

At trulili kaya ang tsikang ang inorderan daw ng engagement ring ni Dom na ibinigay niya kay Bea ay kakilala ni Mayor Bullet?

Read more...