Boy ‘no comment’ muna sa Bea-Dominic breakup: I’m choosing to shut up

Boy 'no comment' muna sa Bea-Dominic breakup: I'm choosing to shut up

Boy Abunda, Dominic Roque at Bea Alonzo

MAS pinili munang manahimik ng premyadong TV host na si Boy Abunda hinggil sa kontrobersyal na paghihiwalay nina Bea Alonzo at Dominic Roque.

Marami ang naghihintay sa magiging reaksyon ni Tito Boy sa inilabas na joint statement nina Bea at Dom about their breakup at ang pag-urong nila sa kanilang kasal.

Ayon kasi sa opisyal na pahayag ng ex-couple, hindi nila ikinatuwa ang lumabas na balita tungkol sa kanilang paghihiwalay na kinumpirma pa ng ilang tao nang wala silang pahintulot.

“It was not an easy decision, we wanted to have more time to carefully deliberate and pray about it, but there have been many speculations, questions, and insults.

Baka Bet Mo: John Arcilla ayaw na munang gumanap na kontrabida, dedma na sa bashers: Hindi na po ako naba-bother sa inyo

“Unfortunately, some even confirmed our breakup without our consent and some created ridiculous stories that have no basis and were utterly false so we felt the need to share this announcement with great sadness for our peace of mindand our families,” ang pahayag nina Bea at Dom.

Isa si Tito Boy sa nagkumpirma ng breakup ng dating magdyowa sa pamamagitan ng “Fast Talk with Boy Abunda”. Ito’y base raa sa mga nakuha niyang impormasyon mula sa mga mapagkakatiwalaang sources.


Kaya naman sa muli niyang pagpirma ng kontrata sa GMA Network, nahingan siya ng reaksyon hinggil dito.

Baka Bet Mo: Misis ni Rocco ayaw pang magka-baby: Ako gusto ko na talagang magkaanak, pero…

“Ganito ang posisyon ko. I promised myself and I promise my concerned friends and good sources that for now I’m not going to comment,” sabi ng award-winning TV host sa panayam ng GMA Network.

“There’s so much pain that’s being experienced by the parties involved and even pain deserves respect,” aniya pa.

Dagdag pa niyang paliwanag sa panayam ng GMA, “But is it tantamount that I’m not going to make a comment? No.

“But there’s a time to speak and there’s a time to shut up. Right at this moment, I’m choosing to shut up. But not for long,” dagdag pa ni Tito Boy.

Read more...