Louis Tomlinson naging 'instant wife' ang isang superfan

English singer Louis Tomlinson naging ‘instant wife’ ang isang superfan

Pauline del Rosario |February 11,2024
facebook
share this

English singer Louis Tomlinson naging ‘instant wife’ ang isang superfan

Pauline del Rosario - February 11, 2024 - 03:00 PM

English singer Louis Tomlinson naging 'instant wife' ang isang superfan

SA hindi inaasahang pangyayari, biglang nagkaroon ng “instant wife” si Louis Tomlinson, ang dating miyembro ng English boy band na “One Direction.”

Paano nga ba nangyari ito?

Aksidenteng napirmahan ni Louis ang ibinigay na marriage certificate ng isang superfan habang siya ay nagsasagawa ng world tour sa Jakarta noong nakaraang buwan.

Burado na ang viral post, pero ibinandera mismo ng fan sa kanyang TikTok account ang nasabing dokumento na may picture nilang dalawa at pirma ng English singer.

Baka Bet Mo: Jillian Ward nakatanggap ng singsing, ‘engaged’ na sa isang faney

Excited na ibinalita ng fan, “I’m a married woman. I’m married to Louis Tomlinson!”

Kwento pa niya, “I went there as a single woman, right. I don’t have any boyfriend, I don’t have any fiancé, but I got back from there as a married woman, because he signed a marriage certificate of me and him.”

English singer Louis Tomlinson naging 'instant wife' ang isang superfan

PHOTO: Screengrab from TikTok/@ladycryalot

Bukod diyan, kumalat din ang isa pang video na makikitang tinanong pa ng dating “One Direction” member ang fan.

“What’s this, some kind of declaration of marriage, is it?” sey niya matapos ibigay ang nasabing certificate at ito ay pinirmahan niya agad.

Dahil sa nangyari, umani ang viral video ng iba’t-ibang reaksyon mula sa fans worldwide.

Samantala, ayon sa U.S. Embassy & Consulate sa Indonesia, requirement sa isang kasal ang magkaroon ng “religious ceremony.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samakatuwid, ang pinirmahang dokumento ni Louis ay hindi legal at walang bisa.

So ang ibig sabihin niyan, ang nabanggit na marriage certificate ay mananatiling isang souvenir mula sa naganap na concert.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending