Anthony umalma sa sapawan isyu ng DonBelle at SnoRene sa Can’t Buy Me Love

Anthony umalma sa sapawan isyu ng DonBelle at SnoRene sa Can't Buy Me Love

Donny Pangilinan, Belle Mariano, Maris Racal at Anthony Jennings

ISYU ngayon ang umano’y sapawan sa pagitan ng tambalang Donny PangilinanBelle Mariano at sa loveteam nina Maris Racal at Anthony Jennings.

Bukod kasi sa DonBelle, inaabangan na rin ngayon ng manonood ang mga nakakaloka at nakaka-good vibes na eksena nina Maris at Anthony sa seryeng “Can’t Buy Me Love”.

Pak na pak sa viewers ang mga karakter at palitan ng punchlines nina Anthony at Maris bilang sina Snoop at Irene sa naturang Kapamilya romcom series.

In fairness, patuloy ang paghataw ng “Can’t Buy Me Love” hindi lang sa streaming app na Netflix kundi pati na rin sa iba’t ibang platforms ng ABS-CBN.

Baka Bet Mo: Jennylyn ibinuking kung bakit tumigil sa pagpo-post ng litrato sa socmed

At sa gitna ng tagumpay ng programa, iniintriga naman ang tambalang DonBelle at ang loveteam nina Maris at Anthony na tinatawag ngayong SnoRene, na mula sa mga pangalan nila sa “CBML.”

Ang chika, nasasapawan na raw ng SnoRene sina Donny at Belle sa serye at may mga fans na rin na naaapektuhan sa nasabing isyu.

Pero sey ni Anthony sa panayam ng AB, “Sa akin, hindi ko naman kasi binabasa lahat, e. Para sa kin kasi mag-focus ka sa craft mo.


“And ako, mas focus ako sa ginagawa ko, may mga naririnig ako, na may mga nagsabi sa akin ng ganu’n nga, para sa akin sabi ko nga kay Dons (Donny) ‘huwag mo nang pansinin ‘yun tol.’

“Kami kasi magkakaibigan kami talaga lahat. Wala namang ganu’n sa amin e, yung casual siguro sila, pero sa amin wala.

Baka Bet Mo: Promise ni Dennis kay Jennylyn: Sa lupa, sa ilalim ng dagat, kahit saan pa man…hindi kita pababayaan

“Mahal namin ang isa’t isa sa set. Wala kaming ganu’n na mabigat ang pakiramdam sa isa’t isa. Wala kaming ganun na mabigat na feelings,” paliwanag pa ng aktor.

Dagdag pang paliwanag ni Anthony, ginagawa nila ang lahat para mas mapaganda pa ang bawat eksena nila sa “Can’t Buy Me Love.”

“Ganu’n naman dapat talaga eh, kailangan magtulungan kayo doon e. Alam mo, sa isang project hindi puwedeng isa lang ang gumagawa, kailangan nagtutulungan kayo.

“Paano mo mabubuo ang istorya kung kayo lang, kailangan may mga connections. Ganun naman talaga eh, hindi mo naman talaga ma please ang maraming tao,” chika pa ng Kapamilya actor.

At tungkol naman sa biglang pagsikat ng tambalan nila ni Maris, “Sa amin kasi, nagpi-fit kasi yung character namin sa amin sa personality naming dalawa.

“Siguro mas nag-work ‘yung totoo ka, ‘yung hindi ka nagpapakita ng wall, parang ang saya sa amin, may freedom kami kung ano gagawin namin and nagwo-work siya e, hindi mabigat sa amin,” sey pa ni Anthony.

In fairness uli, kahit kami ay tuwang-tuwa at tawang-tawa sa mga eksena nina Maris at Anthony sa “Can’t Buy Me Love” pero siyempre, iba pa rin ang kilig at good vibes na hatid ng DonBelle.

Read more...