Xyriel Manabat miss na ang mga heavy drama

Xyriel miss na ang heavy drama, wish makatrabaho sina Judy Ann, Piolo, Jericho

Pauline del Rosario |February 10,2024
facebook
share this

Xyriel miss na ang heavy drama, wish makatrabaho sina Judy Ann, Piolo, Jericho

Pauline del Rosario - February 10, 2024 - 04:28 PM

Xyriel miss na ang heavy drama, wish makatrabaho sina Judy Ann, Piolo, Jericho

Xyriel Manabat, Judy Ann Santos, Piolo Pascual, Jericho Rosales

MATAPOS gumanap sa ilang serye katulad ng “Dirty Linen” at “Senior High,” bet naman ngayon ng young actress na si Xyriel Manabat ang sumabak sa mas malalim na hugot scenes.

Ang pagnanais na ‘yan ni Xyriel ay ibinunyag niya mismo sa kanyang panayam kasama ang entertainment newscaster na si Gretchen Fullido.

Tinanong siya ni Gretchen kung ano ang dream projects ni Xyriel.

Ang sagot naman sa kanya ng aktres, “Sa ngayon, gusto ko ng heavy drama ulit. Kasi nakaka-miss po eh. ‘Nung bata ako parang lagi nilang tinatanong, ‘hindi ka ba napapagod? Iyak ka nang iyak.’ Pero parang nakaka-miss din po pala siya.”

“Kasi ‘yung mga character ko [recently] mga bubbly, masiyahin. Kung may depth man, parang alam niyo ‘yun, ‘yung character pa rin niya is bubbly pa rin. So kahit gaano kalalim ang eksena or ‘yung pinagdadaanan niya, nala-lighten up niya. Lumalabas ‘yung bigat pero masayahin pa rin siyang tao,” paliwanag niya.

Baka Bet Mo: Xyriel nais makilala sa galing sa pag-arte, idol na idol si Judy Ann: Siya lang po talaga pinapanood namin ni Mama!

Giit pa niya, “Parang nami-miss ko ‘yung malalim talaga! ‘Yung parang aping-api siya, parang ayun po ‘yung nami-miss ko. ‘Yung talagang drama po talaga.”

Kasunod niyan, nabanggit ni Xyriel na pangarap niyang makatrabaho ulit ang kanyang idolo at batikang aktres na si Judy Ann Santos.

“Gusto ko rin po of course ‘yung ultimate and all time favorite na idol ko po na artista, si Ms. Judy Ann Santos,” sey niya.

Kwento niya, “Nakapag-work po kami sa ‘100 Days.’ Nag-guest po siya ‘nun and grabe ‘yung kilig ko talaga. Promise, grabe po. Tumatakbo po talaga ako. Hinahabol po talaga ako ng producer namin sa sobrang kilig ko. Pero alam niyo po ‘yun, meron na po akong alam sa pag-arte.”

“Sobrang bata pa po ako noon…ngayon feeling ko kaya ko na pong makipag-work sa kanya and sana po mas matuto pa po ako para maging deserve ko po na maka-work siya,” dagdag pa ni Xyriel.

Baka Bet Mo: Xyriel Manabat hindi nagsisi na nilayasan noon ang showbiz; feeling lucky nang mapasama sa cast ng ‘Dirty Linen’

Nang tanungin naman siya kung anong role ang gusto niya with Judy Ann sakaling magka-project ulit sila.

“Kahit ano po. Kahit katabi nalang ako buong [eksena], okay lang po talaga,” sambit ng young actress.

Pagdating naman daw sa male actors na nais niyang makasama sa isang project, bet niya sina Piolo Pascual at Jericho Rosales.

“[Si] Kuya Piolo kasi sabrang sayang ka-work ni Kuya Piolo,” pag-amin ni Xyriel.

Chika niya, “Simula ‘nung bata pa po ako kapag nakaka-work si Kuya Piolo, ang saya-saya, angs akit sa tiyan kakatawa. Ang gaan-gaan po ng set, ang saya palagi.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“And siguro po si Jericho Rosales. Parang siya kasi ‘yung kahit anong role, kahit anong character, anong itsura, mapu-pull of niya,” aniya pa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending