2 senador naki-Marites kay Cristy Fermin tungkol sa condo ni Dominic

2 senador naki-Marites kay Cristy Fermin tungkol sa condo ni Dominic

Bea Alonzo at Dominic Roque

IBINANDERA ni Nanay Cristy Fermin na wala sa senado at kongreso ang pulitikong may-ari ng condo unit na tinitirhan ni Dominic Roque.

Talk of the town ngayon ang ex-fiancé ni Bea Alonzo matapos mabalitang ang tinitirhan umano nitong mamahaling condo unit ay nasa pangalan ng kilalang pulitiko.

Yan ang ibinalita ni ‘Nay Cristy kahapon sa “Showbiz Now Na” vlog na napapanood sa YouTube channel nila nina Romel Chika at Wendell Alvarez.

Baka Bet Mo: Cristy Fermin naghakot na ng gamit sa condong bigay ni Willie: Magiging ugat pala ito ng pagkakasira natin

Habang umeere ang programang “Cristy Ferminute” kaninang tanghali sa Radyo 5 92.3 TRUE FM ay may nag-text sa host ng, “Nay ramdam ko congressman ‘yan at wala sa senado at ‘yung condo po nasa Bonifacio Global City o BGC.”


Sagot agad ng batikang manunulat, “Palpak lahat ang hula mo. Wala sa senado, ayan po, clue na ‘yan ha?! Wala sa senado, wala sa congress at wala rin po sa BGC ang condo unit.”

Hayan lumiit na ang choices ng pagkakakilanlan ng pulitikong may-ari raw ng condo unit ni Dom kaya mamimili na lang sa pagitan ng mayor, vice mayor at konsehal.

Posible ring governor at vice governor pero baka naman mayaman ang isang Blbarangay chairman kaya isama na rin natin sa pagpipilian.

Samantala dalawang senador daw ang tumawag kay ‘Nay Cristy para tanungin nang diretso kung sino ang pulitikong may-ari ng condo ni Dominic, at yan ay sina Sen. Raffy Tulfo at Jinggoy Estrada.

Baka Bet Mo: Herlene Budol rumampa sa Senado, pinahanga sina Robin Padila, Bato dela Rosa, Raffy Tulfo at Bong Go

Tulad ng binitiwang salita ni ‘Nay Cristy ay wala siyang babanggitin kung sino sa mga nagtatanong dahil gusto niya na si Dominic Roque mismo ang maglabas nito bilang siya naman ang involved sa isyu.

Sabi pa ni Nanay Cristy, “Ito po ang taya ko sa isyu na ito, kami po ang naglantad nito alam ni Dominic Roque na hindi imbento ang kuwentong ito, alam ni Dominic Roque na totoong may pangalan ang pulitikong dapat sambitin sa isyung ito.

“Alam ni Dominic Roque kung sino ang may-ari at kanino nakapangalan ang condo unit na mamahalin na tinitirhan niya at alam ni Dominic Roque na siya ang dapat magpaliwanag at hindi kami.  ‘Yun ang aking taya rito.


“Kailangan siya ang dapat magpaliwanag kung bakit lumulutang ang kuwentong ito. Hindi puwedeng kami dahil hindi naman kami ang involved, eh, hindi naman kami sangkot, di ba?

“Saka ang daming sources kalat na kalat ito. Alam mo Dominic Roque na mayroon kang kailangang sabihin, alam mo na mayroon kang dapat na linawin,” sabi pa ng TV-radio host.

Sa kabilang banda ay idiniin ng “CFM” host, “Hindi namin sinabing karelasyon mo ‘yung pulitiko wala kaming sinabing kahit ano pero ang pagpapaliwanag para maliwanagan ang mga nag-iisip, sa iyo dapat manggaling hindi sa amin.”

Alam din daw ng pamilya ni Bea ang tungkol sa lahat ng ito at isa ito sa mga dahilan kung bakit ang paglakad sa altar ng dalawa ay hindi na matutuloy.

“Yun po ang alam ko (hindi tuloy ang kasal), pupuwede po akong mali, puwedeng tama, piliin po natin ang tamang bersyon wala pong dalawang tamang bersyon ng katotohanan,” sambit pa ni ‘Nay Cristy.

Samantala, nakapalitan namin ng mensahe ang manager ni Dom na si Erickson Raymundo, CEO at Presidente ng Cornerstone Entertainment kagabi bago tumungo ng Dubai para sa 30th year anniversary show ng TFC.
Natanong namin kung nagkausap na sila ng binata.

“Naku di ko alam. Actually di pa kami nag-uusap. We’re managing na lang kasi mga digital endorsements n’ya so di talaga palagi nagkikita,” sagot ni Erickson.

Read more...