WISHING and hoping ang Kapuso actor na si Kristoffer Martin na mabigyan uli siya ng chance na makatrabaho si Kathryn Bernardo.
Proud na proud si Kristoffer sa lahat ng mga achievements ng Kapamilya actress at Box-Office Queen at naniniwala siyang deserve lahat ng dalaga ang kanyang tagumpay.
Nagkasama sina Kristoffer at Kathryn sa Philippine adaptation ng Korean drama series na “Endless Love” na umere noong 2010 at pinagbidahan nina Marian Rivera, Dingdong Dantes at Dennis Trillo.
Baka Bet Mo: Ate Gay kinalimutan na ang mga bisyo; namanata matapos mabigyan ng second life
Gumanap si Kristoffer na young Dingdong sa naturang serye habang si Kathryn naman ang batang Marian bilang mga bidang karakter na sina Johnny at Jenny.
Inamin ng aktor na wala na silang communication ni Kathryn pero nagbabatian naman sila kapag nagkikita sa mga showbiz events.
“Nagkikita kami sa mga events, nagha-hi, hello-an pero ‘yung personal, nagme-message (sa isa’t isa), hindi po,” ang pahayag ng Kapuso actor episode kahapon ng “Fast Talk with Boy Abunda”.
Nanawagan din siya sa ex-girlfriend ni Daniel Padilla, “Kath, baka naman ‘di ba? Work tayo. Sayang ‘yung ‘Endless Love’ oh. Tuloy natin.”
Baka Bet Mo: Kristoffer Martin ‘2nd place’ sa unang pagsabak sa triathlon: Grabe! Hindi pa rin ako maka-get over!
Hiningan naman siya ng mensahe ni Tito Boy para kay Kathryn matapos ang controversial breakup ng dalaga kay Daniel.
“Peace sa heart niya, Tito Boy. Kasi deserve niya ‘yun eh. Importante ‘yung peace,” ani Kristoffer.
Kasalukuyan namang napapanood si Kristoffer sa Kapuso afternoon series na “Makiling” starring Elle Villanueva at Derrick Monasterio. Isa ang aktor sa mga kinaiinisang kontrabida sa programa.
Umeere ang “Makiling” mula Lunes hanggang Biyernes sa GMA Afternoon Prime, 4:05 p.m. pagkatapos ng “Stolen Life.”