MATAPOS makakuha ng iba’t ibang reaksyon mula sa netizens, dumepensa ang kapatid ni Dominic Roque tungkol sa kanyang cryptic post sa social media.
Nilinaw ni Lhean Roque na hindi raw ang kanyang “Ate Bea” ang pinatatamaan niya sa ipinost niya sa Instagram Story kamakailan na may konek sa taong plastik at doble-kara.
Kagabi, February 7, nag-post uli ang kapatid ni Dominic at dinenay na para kay Bea ang kanyang “wolf in sheep’s clothing” post sa IG nitong Martes, February 6.
Sa kanyang bagong post, mukhang nais ipagsigawan ni Lhean sa madlang pipol na hindi siya nakikialam at makisawsaw sa hiwalayan ng kapatid at ni Bea.
Baka Bet Mo: Erik Santos sa pagpanaw ng ina: Kapag mag-isa na lang ako, nagbe-breakdown ako, hindi ko kaya…
Paglilinaw ni Lhean, “HELLO EVERYONE.
“I JUST WANT TO CLEAR UP THE STORY I POSTED RECENTLY. IT WASN’T ABOUT ATE BEA OR ANYONE CLOSE TO HER.
“IT WAS WORK-RELATED. AND I DIDN’T THINK THAT IT WOULD BE TAKEN OUT OF CONTEXT.
“BECAUSE I USUALLY POST RANDOM STUFF AND NO ONE BATS AN EYE.
“I HOPE THIS EXPLAINS IT.
“AND THIS SHOULD BE THE LAST POST I’LL DO ABOUT THEIR ISSUE.”
Baka Bet Mo: Vice nagpagawa ng gym sa bahay para kay Ion; Enzo, Michelle nagpapakaligaya sa Bora
Nauna rito, kinumpirma nga ni Boy Abunda sa programa niyang “Fast Talk” na hiwalay na sina Dominic at Bea pero wala siyang sinabi kung ano ang tunay na dahilan.
“Ako’y nalungkot ho talaga dahil madalas, ‘pag nagkikita kami ni Bea ay nagkakakwentuhan ho kami tungkol sa buhay, tungkol sa kanila, their marriage plans, etcetera. So, I was shocked.
“As we talk today, yes, hiwalay po si Dominic at tsaka si Bea,” sabi ni Tito Boy.
Hanggang ngayon ay wala pang diretsahang inaamin o dinedenay sina Bea at Dominic tungkol sa kanilang hiwalayan.