42 bagong milyonaryo pinarangalan sa JC Go Global Kick Off 2024

42 bagong milyonaryo pinarangalan sa JC Go Global Kick Off 2024

Antonio Iñares |February 08,2024
facebook
share this

42 bagong milyonaryo pinarangalan sa JC Go Global Kick Off 2024

Antonio Iñares - February 08, 2024 - 07:52 AM

42 bagong milyonaryo pinarangalan sa JC Go Global Kick Off 2024

Go Global Kick-Off 2024

IPINAGDIWANG ng JC ang isang monumental event sa Go Global Kick-Off sa Metrotent Convention Center sa Pasig noong Enero 7, 2024.

Umabot sa mahigit 3,000 ang naging attendees sa nasabing pagtitipon. Ibinida rito ang iba’t ibang achievements ng JC sa nakaraang taon.

Ang sikat na komedyante na si Paolo Contis at Ms. Earth Water 2022 na si Roxie Smith ang nag-host ng pinaka-inaabangang event.

Pag-angat Pagkatapos ng Pandemya

Isa sa mga pinakaaabangang parte ng event ay ang awarding ceremony para sa 209 awardees sa iba’t ibang categories.

Kabilang sa mga mahalagang recogintion na ibinigay ay ang Post Pandemic Millionaires – 42 indibidwal na nagtagumpay sa gitna ng pandemya.

Maaalala na noong kasagsagan ng pandemic ay umabot sa 197 ang nagging milyonaryo dahil sa JC. Ang pagkilalang ito ay ibinibigay sa mga franchisees na umabot ng one million pesos ang kinita.

Ayon kay Jayson Dela Cruz, dating Corporate Specialist ng Team Spartans Elite na kumita ng 5.9 million at naging Post Pandemic Millionaire awardee, ang JC ay magandang oportunidad para sa lahat dahil mayroon itong pisikal at online franchising na mapagpipilian.

Flexible ang online franchising nila na nagpapahintulot maka-abot ng mga kliyente sa buong mundo at madali lang para sa mga baguhan sa tradisyunal na negosyo.

Samantala, ang Wealth Builders Club isang espesyal na recognition na kinikilala ang mga franchisees na kumita ng di-bababa sa isang milyon na kita ay binigyang pugay ang 65 na bagong miyembro sa Ambassador Circle, ang starting point para sa Wealth Builders Circle.

Kapag ang franchisee ay kumita ng isang milyon hanggang to 5.9 milyon, magiging bahagi sila ng circle na ito. Sa ibang circles, may 4 na bagong miyembro sa President Circle, 4 sa Champion Circle at 1 sa Dark Horse Circle.

Ang Dark Horse Circle, ang pinakamataas na lebel ng Wealth Builder’s Club, ang daan sa eksklusibong Million Dollar Circle na nangangailangan ng di-bababa sa 50 milyon na kinita.

Si Ferdinand Ryan Crisostomo ng Team Eralista, ang pinakabagong miyembro Dark Horse Circle, ay nag-diwang ng kanyang malaking tagumpay. Aniya sa kanyang speech, kung nagawa niya ito, naniniwala rin  siyang may susunod na makakagawa din nito.

Pinarangalan din sa event ang outstanding achievers sa iba’t ibang kategorya. Labing-tatlong indibidwal ang nakatanggap ng pribilehiyong makapag Luxury Shopping habang may pito ang kinilala para sa kanilang natamong Luxury Watches.

May lima naman sa kategorya ng Next Ride, at 16 na Car Achievers. May lima namang proud owners ng Euro Cars katulad ng Jaguar, Porsche, Mercedes at BMW. Ang Sportscar Club naman ay nag-welcome ng 13 mga bagong miyembro habang isang elite na indibidwal ang nabigyan ng Ferrari 488 Spider Supercar.

Ipinakita rin ang culinary at business skills ng JC community sa pag parangal ng Top 10 Food Cart, Top 10 Online at Community Franchisees at Top 10 Food Hub awards. Pinakita rito ang iba’t ibang matagumpay na pakikipagsapalaran sa loob ng community.

JC Organic Barley

Pinagkakatiwalaan at Subok na Brand ng mga Sikat

Ibinalita ng sikat na artistang mag-asawang sina Troy Montero at Aubrey Miles kung paano sinusuportahan ng JC Organic Barley ang kanilang lifestyle.

Si Troy na na-discover daw niya ang product habang naghahanap ng solution para ibaba ang kanyang cholesterol at effective nga ito sa kanya.

Si Aubrey naman, sinabi ang tungkol sa benepisyo nito para sa pagpapalakas ng kalamnan at pag-burn ng taba. Isinama niya ito bago kumain at napansin ang pagbilis ng kanyang metabolism.

Ikinuwento naman ng sikat na aktres na si Lorna Tolentino na nagco-contribute ang JC Barley sa lakas niya, lalo na’t bawal sa kanya ang pag inom ng kape dahil sa kondisyon ng puso niya.

Dahil walang palpitations ang JC Barley Coffee, nagsimula syang muli sa pag-inom nito nang walang inaalala. Nakikita rin niya na ang organic barley juice ay nagpapalakas sa kanyang intermittent fasting routine.

Pinatunayan ng mga testimonya ng tatlo na versatile ang health benefits ng JC products kaya naging parte na ito ng kanilang pang araw-araw na buhay.

Ibinalita naman ni Kapuso Aktor at JC Organic Barley Ambassador Dingdong Dantes na ibinigay niya bilang gifts of wellness kanyang pamilya at mga kaibigan ang JC products noong Pasko.

Sabi ng mga kaibigan niya, ito daw ang pinakamagandang regalo na natanggap nila at mabilis itong napamahal sa kanila.

Mga Naaning Parangal at Tagumpay ng JC

Samantala, pinarangalan ang Siomai King by House of Franchise bilang Franchising Hall of Famer of the Year sa prestihiyosong Asia Leaders Awards (ALA).

Isang malaking hakbang ito na lalong nagpagtibay ng estado ng Siomai King bilang lider sa franchise industry. Kasunod ito sa tatlong magkakasunod na pagkapanalo nito bilang Franchising Company of the Year noong taong 2020, 2021, at 2022.

Kinilala naman ang JC Organic Barley bilang Best Natural Supplement of the Year ng ALA.

Sa acceptance speech nina JC founders Jonathan So at Carlito Macadangdang ay kanilang binigyan diin ang kanilang didakasyon at pagiging malikhain sa parehong pananaw nila sa Negosyo at sa personal na mga layunin.

Maikli ngunit malalim na mensahe ng pagsuporta naman ang ibinahagi ng JC Organic Barley Brand ambassador na si Dingdong Dantes.

Dingdong Dantes

 

 

Pinarangalan din bilang Captains of Industries ng Rising Tigers Magazine sina President Jonathan So at Vice President Carlito Macadangdang para sa kanilang natatanging pamumuno.

Ayon kay Rising Tigers Magazine Chief Marketing Officer Bb. Andria Terese Nicolas, naniniwala sya na ang kontribusyon ng dalawa sa pagtulong sa bansa ay naka hanay sa bisyon na kanilang pinapalawig.

42 bagong milyonaryo pinarangalan sa JC Go Global Kick Off 2024

Mga Kasabik-sabik na Anunsyo at Insentibo sa Libreng Paglalakbay

Nagbigay naman ng pasabog na anunsyo sa pagdiriwang na talagang nagpabuhay lalo sa mga manonood. Una rito ang pagiging bahagi ng JC Organic Barley sa Philippine Pharmaceutical Directory, na nagpapakita ng pagkilala dito para sa eksepsyonal na kalidad at benipisyo sa kalusugan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kasabik-sabik din ang pag-pagpapakilala ng pinaka bagong Barley Coffee Mocha flavor.

Inanunsyo din ng Siomai King ang bagong Adobo Siopao sa kanilang menu. Inilunsad din ang JC App, ang user-friendly platform para mas makilala ang iba’t ibang mga handog ng JC.

May JC Quest promo ring ibinunyag na nagbibigay ng mga ekslusibong perks at insentibo sa mga miyembro. Meron ding travel incentives para sa mga product movers.

Upang lalong makilala ang kasabik-sabik na mundo ng JC Premiere at House of Franchise, bisitahin lamang ang kanilang website sa www.jcpremiere.com at www.houseoffranchiseinc.com.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending