PINAIMBESTIGAHAN pala ng mga taong malapit kay Bea Alonzo si Dominic Roque at may ilang nalamang dahilan kaya nauwi na sila sa hiwalayan.
Sa “Showbiz Now Na” episode na in-upload ngayong hapon sa YouTube channel nina Nanay Cristy Fermin, Wendell Alvarez at Romel Chika ay napag-usapan nga ang tungkol dito.
Ikinuwento nang buo ni Nay Cristy ang mga nalaman niya sa kanyang source tungkol kay Dominic na naunang pagtsismisan sa social media.
Sabi nga nina Nay Cristy at Romel Chika ay haka-haka lamang ito noong una hanggang sa nakakuha sila ng sagot.
Simula ng beteranang kolumnista, “Siguro raw ay nauntog na si Bea dahil una nalaman niya na sa lahat ng ito ay bulsa lang niya ang masasaktan. Meron pang parang ginagamit lang ni Dominic si Bea.”
Ipinagtanggol naman ni Nay Cristy si Dom at napapanood din namim na mega-tanggol siya sa dating aktor na may kakayahan din naman ang pamilya nito.
“Heto na nga po lagi nating sinasabi na hindi naman dinampot lang ni Bea sa pusalian si Dominic kasi ang balita talaga meron siyang business? (umoo naman si Wendell),” sambit ng “SNN” host.
Giit din ni Wendell, “May family business (daw) sila. Sabi pero hindi ko nakita pa.”
Baka Bet Mo: Bea Alonzo, Dominic Roque hiwalay na ayon kay Boy Abunda
Pagpapatuloy ni ‘Nay Cristy, “Wala naman tayong nakikitang pictorial or ano na merong business. Kaya ang tanong mo ngayon ayon sa aming source na merong nakapagsabi sa pamilya ni Bea Alonzo na kailangang paimbestigahan nila itong si Dominic Roque.”
Nagulat sina Romel at Wendell sabay tanong, “Humantong na sa ganu’n?”
Sagot ni ‘Nay Cristy, “Oo may ganu’n, may imbestigasyon!”
Nagsimula raw ang usaping imbestigasyon ng pag-usapan ang tungkol sa pre-nuptial agreement na bagay na nagkuwento raw si Dom sa mga kaibigan niya at nakarating ito sa pamilya ni Bea.
“E, di pipirma, hindi naman ako interesado sa pera nila,” ito raw ang kuwento ni Dom sa friends niya.
Sabi pa ni ‘Nay Cristy, “Kapag nakalalamang ang babae, ang feeling ng lalaki ang pride niya ay natatapakan. At kapag ang lalaki naman ang mapera, yung pride naman ng babae ang nasasaktan.
“Lagi nating tatandaan na maraming personalidad na hindi po natuloy ang pagpapakasal dahil sa pre-nuptial agreement.
“Lagi natin siyang ipinagtatanggol saan mang diskusyon itong si Dominic na sinasabi nating meron naman siyang pinagmulan at meron naman siyang negosyo.
“Pero bakit napakaliit ng tingin sa kanya ng ating mga kababayan sa relasyon nila ni Bea? Heto ngayon, ayon sa aming source ay pinaimbestigahan ng pamilya ni Bea Alonzo kung ano ba talaga ang trabaho ni Dominic Roque. Anong business daw ba? ‘Yung iba nagsabi monkey business,” kuwento pa ni Nay Cristy.
“Kanya-kanyang interpretasyon,” ito naman ang komento ni Romel Chika.
Say ni ‘Nay Cristy, “Isantabi natin ‘yun ang sabi mayroon siyang business at nakatira siya sa super pangmayamang na condo (building). ‘Yung mga sikat na artista nga hindi naglakas loob na tumira ro’n.
“Siguro’y gumugulong na ‘yung imbestigasyon na merong nakaalam na oo may trabaho siya (Dominic) pero walang depenido na sagot kung ano ‘yung trabaho na ‘yun,” aniya pa.
At nagulat kami sa pasabog na ito ni Nanay Cristy, “Ang condo unit pala na tinitirhan nitong si Dominic ay nakapangalan sa isang napakakontrobersyal na pulitiko.
“Pulitiko ang sinabi ko ha, lalaki, lalaking pulitiko! Ngayon kapag tinrace natin kahit doon nakapangalan doon sa pulitiko ‘yung unit at bakit siya ang boss ni Dominic?” rebelasyon pa ng TV at radio host.
Siyempre hindi tinukoy ng host kung sino ang pulitiko dahil gusto niyang sa kampo ni Dominic ito manggaling.
“Kayo na po ang bahalang humusga kung ano ang nababalitaan ninyong pulitiko at sa kanyang mga kaibigan.
“Hindi po iyon sa amin magmumula basta ang mahalaga basta ay nakarating po sa aming kaalaman na pinaiimbestigahan ng malalapit kay Bea si Dominic Roque kung ano ang kanyang trabaho at kung paano niya nakakayang tumira sa isang mamahaling condominium at kung sino ‘yung kanyang boss,” pahayag ni Nay Cristy.
Samantala, nagpadala kami ng mensahe sa manager ni Dom na si Erickson Raymundo ng Cornerstone Entertainment pero hindi pa niya kami sinasagot hanggang sa matapos naming sulatin ang balitang ito.
Bukas ang BANDERA sa panig ni Dominic Roque o ng kampo niya tungkol sa isyung ito.