Julia Barretto naloka sa chikang hiwalay na kay Gerald Anderson

Julia Barretto naloka sa chikang hiwalay na kay Gerald Anderson

HINDI napigilan ng aktres na si Julia Barretto ang magsalita hinggil sa hindi mamatay-matay na isyu na hiwalay na sila ng Kapamilya actor na si Gerald Anderson.

Sa kanyang naging guesting sa “Magandang Buhay” ay nausisa siya ng host na si Melai Cantiveros kung ano ang kanyang masasabi na palgi na lang naiisyu kung hiwalay na sila ng kanyang dyowa.

Sey ni Julia, hindi nga raw niya malaman kung saan nanggagaling ang chikang hiwalay na sila ni Gerald.

Bukod pa rito, parang every month na lang raw ay may ganitong chika.

“Parang ganun ang balita, every month, for how many years na talaga. Hindi ko rin alam kung san nanggagaling but I think I’ll just take it as a compliment,” sagot ni Julia.

Aniya, kaya compliment ay dahil nakagawa sila nfg “private bubble” nila ni Gerald kaya hindi masyadong alam ng mga tao ang nangyayari sa kanilang relasyon.

Baka Bet Mo: Julia Barretto sa upcoming movie nila ni Aga: ‘Please give our film a chance’

“I guess, that we’re able to create that private bubble of ours na hindi lang talaga nila alam masyado kung ano yung nangyayari sa partnership namin.

“I think that’s also a conscious effort on our end na talagang protektahan, na hindi kailangan mag-overshare na hindi dapat bawat galaw kailangan alam ng lahat. Siguro, that’s why they think, but happy lang,” pagbabahagi ni Julia.

Kung hindi kasi hiwalay ang chika, inuusisa naman kung kailan balak ng dalawa na mag-settle down.

Minsan nga ay sinagot na ni Julia ang mgaa nagtatanong na mas marami pang problema sa mundo kaysa ang usisain kung kailan nga ba sila magpapakasal.

Read more...