Kapatid ni Dominic may patutsada sa taong doble-kara, patama kay Bea?

Kapatid ni Dominic may patutsada sa taong doble-kara, patama kay Bea?

Dominic Roque at Bea Alonzo

TAMA lang daw ang ginawa ng kapatid ni Dominic Roque na patamaan din ang kampo ni Bea Alonzo matapos pumutok ang balita about their breakup.

Walang binanggit na pangalan ang utol ni Dominic na si Lhean Roque sa kanyang Instagram post pero naniniwala ang netizens na para ito sa Kapuso actress.

Makikita sa IG Story ni Lhean ang artwork ng isang wolf na nagpapanggap na tupa. May caption itong, “Wolf in sheep’s clothing.”

Ipinost ito ng kapatid ni Dom matapos kumpirmahin ng award-winning TV host na si Boy Abunda na totoong hiwalay na nga ang dating aktor at negosyante sa fiancée niyang si Bea.

Baka Bet Mo: Bea Alonzo may sweet birthday message kay Dominic Roque: I can’t wait to spend the rest of my life with you…

“Ako’y nalungkot ho talaga dahil madalas, ‘pag nagkikita kami ni Bea ay nagkakakwentuhan ho kami tungkol sa buhay, tungkol sa kanila, their marriage plans, etcetera. So, I was shocked.

“As we talk today, yes, hiwalay po si Dominic at tsaka si Bea,” sabi ni Tito Boy.

Narito naman ang mga reaksyon ng netizens sa artcard na ipinost ng BANDERA tungkol sa cryptic post ng kapatid ni Dominic.

“Diko gets sa picture? So ano meaning ng post?” nagtatakang tanong ng isang BANDERA reader.


Sagot sa kanya ng isang netizen, “@iamliztan maamo sa panlabas na anyo pero mabangis pala sa panloob in short nasa loob ang kulo ni girl.”

“@luvveyho parang totoo naman, kaya siguro siya iniiwan ng mga ex niya.”

Baka Bet Mo: Xian Gaza tutol sa pag-iibigan nina Bea at Dom: Ang nakikita ko ay mag-ate

Ito naman ang mahabang komento ng isa pang follower ng BANDERA, “Ganyan nga, dapat palaban din ang kampo ni Dominic.

“Kung sa side ni Bea nagparinig sila na Manipulative Sad Boi, it’s good na magparinig din ang side ni Dom ng A Wolf in Sheep’s Skin. Wag papatalo dahil kawawain ka ng mga toxic fans. Fighting!” mensahe pa nito.

“Feel ko hinde lang dahil sa prenup, siguro alam na yan ni dom before siya nagpropose pero meron pa ibang dahilan.”

“Tsk tsk nsa babae nga ang prob Tlga. Ang NAGAGAWA Ng pera. nabubulag Ang iba sa totoong ibig sabihin Ng pagmamahal. oo ok lng MAGING praktikal pero parang ang OA hindi nmn cguro magiging tag gutom c ate girl kung walang prenup agreement.

“Sad lng KC icipin ntin sa simbahan Sabi sa hirap at ginhawa sinasabi ni father magsasama TAs dahil lng sa prenup agreement issues nag break.. hayyyyyyy. They love each other sa una pero mas malaki.parin ung pagmamahal sa material na bagay makaahanap. Kaya ung iba. Kahit simple life lng pag mag asawa na un pa mas successful relationship…kesa big-time nga dami nmn trust issues, Ang third party is pera.”

“Okay lang yan papa dom madami ka tunay na kaibigan nagmmhal sau, enjoy single life lang muna and bata kapa. bata mas bagay sau at sa energy mo.”

“Strong and independent women are very hard to handle. They are always mistakenly pointed as evils. That’s why they need a man, not a boy. Sorry Dom, anjan naman si Senyora at mga kapatid mo.”

Read more...