Kinulam ang anak | Bandera

Kinulam ang anak

Joseph Greenfield - October 31, 2013 - 01:47 PM

Sulat mula kay Lelia, ng Barangay Cogon,  Ozamiz City
Dear Sir Greenfield,
Nag-aaway kami ng mister ko dahil ayaw niyang maniwala na kinukulam ang anak namin.  Una kong dinala sa doktor ang anak ko, pero walang nangyari at hindi gumaling ang kanyang sakit sa tiyan.  Marami at papalit-palit na ang nainom na gamot ng anak ko.  Nawawala ang sakit pero panandalian lang. Dinala ko sa albularyo ang anak ko at sinabi niya na nakulam daw ito.  May hinihingi ang albularyo kaya’t sinabi ko ito sa mister ko, na nagalit.  Susundin ko ba ang nais ng mister ko o ang panggagamot ng albularyo?  Sir Greenfield, puwede po bang tingnan kung napaano talaga ang anak namin upang hindi na magulo ang isipan ko?  Sumasakit na ang ulo ko sa pakikipagtalo sa mister ko.
Umaasa,
Lelia, ng Barangay Cogon, Ozamiz City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Ayon sa ipinadala mong photo copy ng palad ng anak mo, maganda at malinaw naman ang kanyang Life Line (Illustration 1-1 arrow 1.). Ibig sabihin, anuman ang sakit ng anak mo ngayon ay bale wala iyan.  Darating ang panahon ay kusa ring gagaling kahit hindi mo ipagamot.  Maaari kasing “kabag lang o bulate” ang nagpapasakit sa tiyan ng anak mo.
Cartomancy:
“Huwag mo nang patingnan kung kani-kaninong albularyo ang iyong anak dahil maaaring iyan pa ang kanyang ikapahamak” – ang nais sabihin ng King of Spades, at Six of Spades, habang ang Four of Hearts ay nagsasabing, tapalan mo na lang ng dahong pito-pito na pinahiran ng langis ng niyog na ginawa noong Biyernes Santo ang tiyan ang anak mo, makikita mo kapag nagawa mo iyon kusang bubuti ang kanyang kalagayan – mawawala na ang pananakit ng kanyang likod at tiyan.

_________________________
Sulat mula kay Lelia, ng  Barangay Cogon, Ozamiz City
Problema:
1.     Nag-aaway kami ng mister ko dahil ayaw niyang maniwala na kinukulam ang anak namin.  Una kong dinala sa doktor ang anak ko, pero walang nangyari at hindi gumaling ang kanyang sakit sa tiyan.  Marami at papalit-palit na ang nainom na gamot ng anak ko.  Nawawala ang sakit pero panandalian lang. Dinala ko sa albularyo ang anak ko at sinabi niya na nakulam daw ito.  May hinihingi ang albularyo kaya’t sinabi ko ito sa mister ko, na nagalit.
2. Susundin ko ba ang nais ng mister ko o ang panggagamot ng albularyo?  Sir Greenfield, puwede po bang tingnan kung napano talaga ang anak namin upang hindi na magulo ang isipan ko?  Sumasakit na ang ulo ko sa pakikipagtalo sa mister ko.
Umaasa,
Lelia, ng Barangay Cogon, Ozamiz City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign na Pisces (Illustration 2.) ng iyong anak ang  nagsasabing ipasyal mo lang siya sa tabing dagat, at paarawan sa unang oras ng umaga. Makikita mo, kusa nang mawawala ang iniinda niyang panakit ng tiyan at likod.
Numerology:
Tulad ng nasabi na sa Cartomancy, siyam na sunod-sunod na gabi mong tapalan ng dahon ng pito-pito ang tiyan ng iyong anak, na pinahiran ng langis ng niyog na ginawa noong Biyernes Santo, makikita mo kusa ng bubuti ang kanyang pakiramdam – mawawala ang panakit ng kanyang likod at ng kanyang tiyan.
Luscer Color Test:
Kung sadyang naniniwala ka naman sa kulam, lamang lupa at iba pang kakaibang nilalang, lagi mong pagsuutin ng kulay pula ang iyong anak. Sa ganyang kasuutan, hindi na siya tatablan ng kulam at iba pang kapangyarihang itim.
Huling payo at paalala:
Lelia, bukod sa nasabing mga kulay na panlaban sa kulam, gayon din ang langis na ginawa noong Biyernes Santo at ang dahong pinto-pito ang krusipiyo na walang tao ay isa ring mabisa na panlaban sa kulam. Paagsuutin mo nito ang iyong anak, at habang sinusuot mo ang nasabing krusipiyo bigkasin mo ang orasyong: “Verbena, Hastata, Viam Monstra, hasta Verbena Amen” kapag nagawa mo iyan, makikita mo, nakulam man siya o hindi, dagli mawawala ang  pananakit ng kanyang tiyan at likod na  aakalain  mong siya ay nagdahilan lamang!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending