Tambalang Lito at Lorna pakilig sa music video

Lito, Lorna pakilig sa music video; ‘Patintero’ ng BGYO hugot na hugot

Ervin Santiago - February 04, 2024 - 07:30 AM

Lito, Lorna pakilig sa music video; 'Patintero' ng BGYO hugot na hugot

Lorna Tolentino at Lito Lapid

LUMEBEL sa pagpapakilig ng tambalang Donny Pangilinan at Belle Mariano ang mga veteran stars na sina Lito Lapid at Lorna Tolentino.

In fairness, pak na pak ang “loveteam” nina Lito at LT sa Kapamilya hit series na “FPJ’s Batang Quiapo” na pinagbibidahan ni Coco Martin.

Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit sila ang kinuhang mga bida sa music video ng latest single ni Fana na “Love Story Ko.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Star Music (@starmusicph)


Sa official social media page ng Star Music, ibinandera nga ang pagbibida nina Lorna at Sen. Lito sa “Love Story Ko” music video na ni-release na nitong nagdaang Biyernes, February 2.

Baka Bet Mo: SB19 pasok sa 33 Favorite Boy Bands of All Time ng Teen Vogue, lumebel sa BTS, The Beatles, Backstreet Boys, Westlife

“Tama ba ang mga hula niyo? #PriManda will star in the latest music video from #InspireMusic,” ang nakalagay sa caption ng Star Music Instagram post.

Napapanood na ang naturang music video sa official YouTube channel ng Star Music habang ang “Love Story Ko” naman ni Fana ay available na sa iba’t ibang music streaming platforms.

Originally recorded by Gloc-9, the track was composed by A. Polisco and Christian Martinez. Fana’s version is produced by Jamie Rivera herself, who heads Inspire Music.

* * *

Makulay at masigla ang imahe ng Filipino pop group na BGYO sa inilunsad na billboard ng kanilang comeback single na “Patintero” na mapapakinggan na simula sa Biyernes, February 9.

Tampok ang BGYO members na sina Gelo, Akira, JL, Mikki, at Nate sa billboard na makikita ngayon sa labas ng ABS-CBN Compound sa Quezon City.

Ayon sa grupo, hatid ng “Patintero” ang mensahe ng patuloy na pagbangon sa gitna ng mga pagsubok sa buhay.

“It’s about life na parang kahit gaano karaming obstacles, it doesn’t matter kung manalo o matalo ka. Ang importante alam mong masaya ka at wala kang tinatapakan na tao and you’re a sport,” sey ni Gelo.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by BGYO (@bgyo_ph)


Ang “Patintero” ang unang single mula sa kanilang binubuo na ikatlong album. Ikinuwento rin ng grupo na mas naging hands on sila sa kanilang album na siguradong magpapakita ng bagong imahe ng BGYO.

Baka Bet Mo: Lito Lapid may plano nga bang tumakbong pangulo ng Pilipinas?

“Mas involved na kami sa lahat ng songs at ini-incorporate yung sarili naming ideas sa lyrics, sa mismong music kaya masasabi namin na very BGYO itong new album,” sabi naman ni JL.

Isinulat nina Julius James “Jumbo” De Belen at John Michael Conchada ang kanta at prinodyus ni Bojam ng FlipMusic. Ilulunsad naman ito sa ilalim ng Star Music.

Bago ilabas ang kanilang awitin, ipinagdiwang ng “Aces of P-pop” ang kanilang ikatlong anibersaryo sa isang thanksgiving event na “BONFIR3” na naganap nitong Sabado (January 27) sa Teatrino Promenade.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mapapakinggan ang bagong awitin ng BGYO na “Patintero” simula ngayong February 9 sa iba’t ibang music streaming platforms.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending