SB19 pasok sa 33 Favorite Boy Bands of All Time ng Teen Vogue, lumebel sa BTS, The Beatles, Backstreet Boys, Westlife | Bandera

SB19 pasok sa 33 Favorite Boy Bands of All Time ng Teen Vogue, lumebel sa BTS, The Beatles, Backstreet Boys, Westlife

Ervin Santiago - July 21, 2022 - 07:18 AM

SB19

LUMEBEL na naman sa mga international stars ang sikat na sikat at award-winning all-male P-Pop group na SB19.

Korakak! May bago at bonggang achievement na naman ang grupong kinabibilangan nina Josh, Pablo, Stell, Ken at Justin na maipagmamalaki nila sa buong universe.

Isa ang SB19 sa mga mapapalad na nakasama sa listahan ng Teen Vogue para sa kanilang 33 Favorite Boy Bands of All Time.

At in fairness, ang SB19 lamang ang nag-iisang Filipino group na naka-join sa nasabing listahan kung saan kabilang din ang K-pop superstars na BTS, SHINee, EXO, at BIGBANG, at ang western groups na The Beatles, *NSYNC, Backstreet Boys at Westlife.

Siyempre, nagpiyesta na naman ang milyun-milyon nilang supporters all over the world dahil isa na namang karangalan ang dinala nila sa Pilipinas.

Narito ang ilang comments ng mga SB19 fans sa bago nilang pasabog na ka-vogue na ka-vogue.

“SB19, THE ONLY FILIPINO GROUP WHO JOINS ICONS AND LEGENDS ON TEEN VOGUE, CAPSLOCK NATIN PARA DAMA!!!!”

“Ka-VOGUE na kabog talaga ang boys! Pak!”

“P-POP KINGS ‘yan eh!”

“Keep on comings mga articles… deserve po one of the all-time fave bands alongside with other well-known boy bands. YES! P-POP KINGS DID THAT!”

“Proud of you, P-pop Kings!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by SB19 Official (@officialsb19)


Sa mga hindi pa masyadong aware,  ang SB19 ang first ever Southeast Asian at Filipino group na napasama sa Billboard Music Award’s Top Social Artist category noong 2021.

Dito nakalaban nila ang K-pop groups na BTS, BLACKPINK at SEVENTEEN.

Ang mga miyembro rin ng SB19 ang kauna-unahang Filipino artists na nakapasok sa Billboard’s Top Social 50 Artists noong 2020.

Noong January, 2022, umariba nang bonggang-bongga at naging record-breaking pa ang hit song nilang “Bazinga” matapos na manatili sa number one spot sa loob ng pitong linggo sa Billboard Hot Trending Songs chart kung saan naunahan pa nila ang “Butter” ng BTS.

Unang nakilala ang SB19 dahil sa kanta nilang “Go Up” na ini-release noong 2019. At mula noon, nagsunud-sunod na ang kanilang hits at nagtuluy-tuloy na ang kanilang kasikatan hanggang sa ibang bansa.

https://bandera.inquirer.net/285241/nakakatuwa-na-kahit-ibang-lahi-pinipilit-nilang-intindihin-ang-salita-at-kultura-natin

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/284769/sb19-bitbit-ang-bandera-ng-pinas-sa-buong-mundo-kaya-ayaw-namin-ng-puchu-puchu-na-performance
https://bandera.inquirer.net/299724/bts-rest-rest-din-pag-may-time-makakasama-ang-pamilya-ngayong-holiday-season

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending