ANUNSYO: Ilang lugar sa Maynila magba-‘brownout’ sa Feb. 3, ayon sa Meralco
NAGLABAS ng abiso ang Manila Electric Company o Meralco, lalong-lalo na para sa kanilang customer sa Manila.
Magkakaroon kasi ng scheduled power interruption o brownout sa ilang lugar sa Sabado, February 3.
Ayon sa electric company, dahil ito sa isasagawa nilang maintenance activities katulad ng pole replacement at pagkabit ng lightning protection devices sa M. Adriatico sa Leveriza Street.
Baka Bet Mo: Super Tekla kinasahan ng baril sa comedy bar, customer napikon sa joke
Narito ang buong listahan ng mga maaapektuhang lugar:
8:30 am – 9:00AM, 2:00 pm – 2:30pm
- Bahagi ng M. H. Del Pilar Street, mula Windy Ridge Hotel Manila hanggang Quirino Avenue (kabilang na ang Admiral Hotel Manila, Aspire Tower, Baywatch Tower, D Circle Hotel, at Armada Hotel Manila)
- Bahagi ng Quirino Ave., mula M. H. Del Pilar hanggang M. Adriatico St. (kabilang na ang Madre Ignacia St. at Leonel Waste Management Compound)
- Bahagi ng Madre Ignacia St. simula Quirino Avenue (kabilang ang FSC Training Center, McDonalds, Malate Catholic School, Altoha Bldg., Victoria Court, Hotel Victoria, at Carolina Bldg.)
- Bahagi ng M. Adriatico St. simula Quirino Ave (kabilang ang Malate Bayview Mansion)
- Marbella Bldg., sa kahabaan ng Roxas Blvd.
8:30AM – 2:30PM
- Bahagi ng M. Adriatico Street from Quirino Avenue (Kabilang na ang Asuncion St., Rizal Memorial Sports Complex, Manila Zoo, Suntrust Adriatico Gardens Condominium, at Intership Navigation Training Center (ISNTC) Dormitory)
- De La Salle University (DLSU) Manila at Mang Inasal sa kahabaan ng Taft Avenue
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.