Estudyante patay, 29 sugatan matapos mahulog sa bangin ang sinasakyang jeep sa Quirino | Bandera

Estudyante patay, 29 sugatan matapos mahulog sa bangin ang sinasakyang jeep sa Quirino

Pauline del Rosario |March 12,2023
facebook
share this

Estudyante patay, 29 sugatan matapos mahulog sa bangin ang sinasakyang jeep sa Quirino

Pauline del Rosario - March 12, 2023 - 01:41 PM

Balita featured image

PATAY ang isang estudyante matapos mahulog ang sinasakyang jeep sa probinsya ng Quirino.

Bukod sa nasawi, hindi bababa sa 29 ang mga sugatan dahil sa insidente na nangyari nitong March 10, alas-diyes ng gabi.

Base sa police report, nawalan ng preno ang pampasaherong jeep sa pakurba at matarik na kalsada sa may bayan ng Diffun kaya ito nahulog sa taas na tatlumpung metro na bangin.

Tinitingnan din na posibleng overloading o sobra sa pasahero ang nasabing jeep.

Ayon sa ulat, may sakay itong 42 na pasahero at karamihan sa kanila ay menor de edad.

Sabi pa ng mga awtoridad, nakaligtas ang ilang pasahero dahil nakatalon ito kaagad palabas ng jeep bago pa mahulog sa bangin.

Kasalukuyan pa ring iniimbestigahan ang nangyari.

Ang pamilya naman ng nasawi sa insidente ay magsasampa ng reklamong homicide laban sa tsuper dahil sa hindi pag-iingat.

Read more:

Anak ni Ai Ai biktima ng hit-and-run sa US; kotse nahulog sa bangin

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Diether Ocampo sugatan matapos mabangga sa Makati

Neri gwapung-gwapo kay Chito: Para sa akin, tinalo niya si Richard Gutierrez at Papa P!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending