NAPAKARAMING rebelasyon ng komedyanteng si Pepe Hererra tungkol sa kanyang personal na buhay at showbiz career.
Inamin ni Pepe sa panayam ng kanyang leading lady sa pelikulang “My Sassy Girl” na si Toni Gonzaga ang pagkakaroon niya ng “manic disorder.”
Isa raw ito sa mga dahilan kung bakit kinailangan niyang mag-quit pansamantala sa showbiz sa gitna ng tinatamasa niyang kasikatan.
Ayon sa komedyante, isa sa mga itinuturing niyang biggest achievement sa kanyang career ay ang mapasama sa Kapamilya series na “Ang Probinsyano” kung saan gumanap siya bilang sidekick ni Coco Martin.
Baka Bet Mo: #BatangHenyo: Anak nina Korina at Mar na si Pepe kabisado na ang ‘7 continents of the world’
Pero bigla nga siyang nawala sa makasaysayang teleserye dahil nagdesisyon siyang umalis ng bansa para magpunta sa ibang bansa.
“‘Yung pinaka-dream mo, ginagawa mo na. To perform. ‘15, ‘16, ‘17. It only took three years for you to quit everything. Nag-quit ka. Tapos pumunta ka ng New Zealand, ‘di ba?” ang pagpapaalala ni Toni kay Pepe.
“New Zealand, Hongkong, and then finally, Switzerland. Journey ‘yon. It was almost a year of journey. Iba’t ibang bansa, iba’t ibang probinsiya,” tugon ng aktor.
“Umalis ka kasi?” sabi uli ni Toni.
“To simply put, burnout,” sabi ni Pepe kasabay ng pag-amin na umabot siya sa puntong nagkaroon na ng manic disorder nang hindi niya alam.
Ayon sa isang health website, ang “manic disorder” ay isang, “condition in which you have a period of abnormally elevated or irritable mood, as well as extreme changes in emotions, thoughts, energy, talkativeness and activity level.
“This highly energized level of physical and mental activity and behavior is a change from your usual self and is noticeable by others.”
Pagpapatuloy ni Pepe, “Nagpapatawa one moment. Mag-i-snap at magagalit one moment. Tapos to the point na natatakot na ‘yong ibang mahal ko sa buhay.
Baka Bet Mo: Andrea nagka-eating disorder; hiyang-hiya nang tinadtad ng pimples ang face
“Rage na siya hindi na siya anger. Screaming at the top of my lungs. Parang bulkan. Minsan, nagsisira ng gamit. Sasapakin ko ‘yung pader o ‘yung sasakyan ko,” lahad pa ng aktor.
May pagkakataon pa nga raw na napaiyak ang dati niyang handler dahil pinagalitan at sinigawan niya noong mahuli raw sila ng traffic enforcer sa EDSA.
“She was trying to save the situation. Kasi handler, e. Tapos nag-snap ako dahil lang I wanted to be in control. I guessed isa sa mga trigger ko ‘yong losing control which happened din.
“So, nagalit ako sa kanya. Sumigaw ako. Until sa umiiyak na pala siya. She was trembling. I guess that’s one of my wake-up calls na. Of course you don’t want to do that to your loved ones, ‘di ba?” pag-alala ni Pepe.
Pati raw ang mga co-stars niya sa “FPJ’s Ang Probinsiyano” ay napansin ang mga pagbabago sa kanya to the point na nagiging eratic na siya.
At noon ngang 2017 ay napabalitang siya raw mismo ang nag-request kay Coco na patayin na ang karakter niya sa serye dahil pupunta nga raw sila ng kanyang nanay sa New Zealand.
Sa ngayon daw ay nasa healing process pa rin si Pepe at unti-unti na ring bumubuti ang kanyang kalagayan.