SA kauna-unahang pagkakataon, bibisitahin ng sikat na Thai duo na Scrubb ang kanilang Pinoy fans!
‘Yan ay sa pamamagitan ng live show na pinamagatang “SCRUBB: Live in Manila” na gaganapin sa 123 Block sa Mandaluyong City sa darating na February 10.
Ang internationally renowned music act ay binubuo nina Thawatpon Wongboonsiri o mas kilala bilang si “Muey” at Torpong Chantabubpha o si “Ball.”
Nagkaroon ng online question and answer (Q&A) sina Muey at Ball kasama ang ilang entertainment press kung saan inilahad ng dalawa ang kanilang pagkasabik sa gagawing performance.
“[We] are really happy that [we] will be able to meet our Filipino fans, because there are a lot of them who are asking when [we] will have a concert in the Philippines, when will they see Scrubb in person,” sey ng Thai duo.
Nakwento din ng dalawa na magpa-practice sila nang mabuti para masigurong mag-e-enjoy ang Pinoy audience.
Baka Bet Mo: Kakai Bautista pinagbawalan ng abogado na banggitin ang pangalan ng Thai superstar na si Mario Maurer
“[We] will practice a lot and we hope that when we perform in the Philippines, the audience will really have a lot of fun, singing and dancing, and just being themselves,” sambit nila.
Ani pa ng duo, “The most important part is enjoying the ambiance of the performance.”
Maliban sa concert, nabanggit din ng Scrubb na nais nilang i-explore ang Manila.
Ayon kay Muey, maghahanap siya ng mga lugar na pwede siyang mag-exercise at tumakbo.
Si Ball naman, trip puntahan ang mga coffee shops dito sa ating bansa bilang isang coffee lover.
Lubos ang pasasalamat ng dalawa dahil maraming Pinoy ang talagangnag-aabang sa kanilang pagpunta sa Pilipinas.
Mensahe nila para sa fans na looking forward sa kanilang concert, “Thank you for the reception! We have received a lot of invitations from people wanting us to do a concert and also some people are asking if they need to sell their liver for the concert.”
“I’m saying, don’t sell your liver because we will try to get there as much as possible to the Philippines. The liver is very important,” biro nila.
Ang Thai alt-pop act ay nakatakdang tanghalin ang ilang official soundtrack ng hit Boy Love (BL) series na “2gether: The Series” na pinagbibidahan ng sikat na Thai actors na sina Vachirawit Chivaaree (Bright) at Metawin Opas-iamkajorn (Win).
Maliban sa OST, kakantahin din ng Scrubb ang ilan sa mga kanta nila mula sa anim na studio albums na kanilang prinoduce mula nang mag-umpisa sila sa music industry.
Ang magiging guests sa “SCRUBB: Live in Manila” ay ang actor-rapper na si Elijah Canlas at ang chart-topping singer-songwriter na si TONEEJAY.
Available na ang tickets sa Ticketmelon na mabibili simula P1,800 hanggang P5,200.