Carla sa pagreto sa kanya ni Kris sa doktor: ‘Medyo natatakot pa po ako’

Carla sa pagreto sa kanya ni Kris sa doktor: 'Medyo natatakot pa po ako'

Kris Aquino, Carla Abellana at Bea Alonzo

“NAKAKA-FLATTER kasi naiisip pa niya ako,” ang reaksyon ni Carla Abellana sa pagrereto sa kanya ni Kris Aquino sa kaibigan nitong doktor.

Natanong ang Kapuso actress tungkol dito sa pagpirma niya uli ng exclusive contract sa GMA kahapon, January 29, kasama ang mga executives ng Kapuso Network.

Nagsimula ito nang magkomento si Carla sa Instagram post ni Kris tungkol sa kanyang health condition. “Prayers for you, Ms. Kris,” mensahe ni Carla sa TV host-actress.

Reply naman ni Kris sa kanya, “If you’re already in the process of getting annulled we have a doctor friend based in OC who might be a great match.”

Sey ni Carla, natutuwa siya sa gesture ng Queen of All Media dahil sa kabila ng pinagdaraanan nitong pagsubok sa kanyang kalusugan ay naisip pa nito ang kanyang lovelife.

Baka Bet Mo: Juliana Parizcova natatakot ipakilala ang dyowa sa publiko, ayaw gayahin sina Vice Ganda at Chad Kinis

“I find it amusing and at the same time nakaka-flatter kasi naiisip niya pa ako. May ganoong nirereto siya, may suggestion siyang ganu’n. Okay naman. Nakakatuwa!” sabi pa ni Carla.


Dugtong pa ng dating asawa ni Tom Rodriguez, “In a way compliment pa nga ‘yon. Parang magandang gesture coming from her na meron siyang naiisip para sa akin.”

Baka Bet Mo: Jaclyn Jose umamin: Karamihan sa mga baguhang nakakatrabaho ko, natatakot sa akin…sabi ko, hindi ko sila sisindakin

Pero agad na nilinaw ng Kapuso star na wala pa sa plano niya ang magdyowa uli at, “Medyo mahirap iyon kasi all the way sa US. Medyo natatakot pa po ako.

“Not that I don’t want to take her offer or not that I don’t trust her pero sa ngayon parang tatawanan ko na lang muna. Hindi ko muna ie-explore yun,” esplika ng aktres.

Matatandaang naghiwalay sina Carla at Tom noong 2021, ilang buwan pa lamang ang nakalilipas matapos silang ikasal. June, 2022 nang sabihin ni Tom na divorced na sila ni Carla.

Samantala, muling mapapanood si Carla sa GMA primetime series na “Widow’s War” kung saan makikipagbardagulan siya sa award-winning actress na si Bea Alonzo.

Read more...