Juliana Parizcova natatakot ipakilala ang dyowa sa publiko, ayaw gayahin sina Vice Ganda at Chad Kinis | Bandera

Juliana Parizcova natatakot ipakilala ang dyowa sa publiko, ayaw gayahin sina Vice Ganda at Chad Kinis

Ervin Santiago |December 31,2021
facebook
share this

Juliana Parizcova natatakot ipakilala ang dyowa sa publiko, ayaw gayahin sina Vice Ganda at Chad Kinis

Ervin Santiago - December 31, 2021 - 07:30 AM

Juliana Parizcova, Chad Kinis at Nikko Chuz, Vice Ganda at Ion Perez

NATATAKOT ang Kapamilya comedian na si Juliana Parizcova Segovia na ilantad sa madlang pipol ang identity ng kanyang boyfriend. 

Kuwento ni Juliana, anim na taon na niyang karelasyon ngayon ang kanyang dyowa and still counting kaya super happy at makulay daw ang lovelife niya ngayon.

Ngunit ayaw daw niyang tumulad  sa mga kapwa niya gay comedian na sina Vice Ganda at Chad Kinis na very open ang pakikipagrelasyon. Alam ng buong universe na nagli-live-in na sina Vice at Ion Perez habang proud na proud naman si Chad sa dyowa niyang si Nikko Alano Chua.

Sa nakaraang virtual mediacon ng bago niyang pelikula, ang “Sanggano, Sanggago’t, Sanggwapo: Aussie! Aussie! O Sige” (streaming na sa Vivamax), inamin ni Juliana na natatakot siyang ipakilala sa buong mundo ang boyfriend niya dahil baka raw maging biktima lamang ito ng mga judgmental na netizens.

“Actually, ang love life ko, we’ve been together for almost six years na, pero gusto ko nang private,” ang pahayag ni Juliana.

Kilala naman daw ng mga kaibigan at katrabaho niya ang non-showbiz guy, sa katunayan naipakilala na niya ito sa mga co-stars niya sa “Sanggano, Sanggago’t, Sanggwapo: Aussie! Aussie! O Sige” partikular na sina Rose Van Ginkel at Dennis Padilla.

“Kilala siya nina Rose, Kuya Dennis. Nu’ng birthday ko kasi, magkakasama kami. Pero hindi ko siya ipina-public kasi ayoko. Baka hindi niya kayanin yung netizens,” pahayag ni Juliana.

Sa tanong naman namin kung ano ang New Year’s resolution niya para sa 2022, “Never akong nagkaroon ng New Year’s resolution o bucket list. 

“Pero sa sobrang dami ng pinagdaanan ko this year, parang this time, mas gusto kong magkaroon ng mas maayos na plano yung magiging buhay ko sa 2022.

“I am looking forward for a better future. Gusto ko ng mas challenging roles sa movies at sana ma-achieve ko na ang pinakapangarap namin ng nanay ko na magkabahay.

“Wala akong reward pa sa sarili ko. Wala pa sa ngayon, pero meron akong pinag-iipunan na hindi para sa akin.

“Kasi, lagi akong naniniwala na kailangan kong alagaan ang sarili ko para maalagaan ko ang nanay ko.

“So, meron akong pinaglalaanan na something para sa akin dahil, for sure, ang magbe-benefit ang nanay ko,” sey pa ni Juliana na todo ang ginagawang pag-iipon para sa pagpapatayo at pagpapagawa ng sariling bahay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

View this post on Instagram

A post shared by Juliana Parizcova Segovia (@juliana_parizcova)

Juliana Parizcova Segovia naka-jackpot sa Viva; hugot na hugot ang drama sa ‘Gluta’

Bakit natsugi si Juliana Parizcova sa titulo ng pelikula nina Andrew E, Dennis at Janno?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending